38-taong gulang na janitor, nakapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle College of Saint Benilde
- Janitor sa De La Salle College of St. Benilde si Emmanuel Ricalde mula pa noong 2014
- Masuwerte siyang naging bahagi ng scholarship ng nasabing paaralan kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong makapagtapos ng kolehiyo
- Maraming pinagdaanan si Emmanuel sa panahong nag-aaral siya at isa na rito ang pagkamatay ng mismong thesis partner niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang kwento ni Emmanuel Ricalde na sa isang janitor dahil sa nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo kasabay ng kanyang pagtatrabaho.
Nalaman ng KAMI na nagtatrabaho si Emmanuel bilang janitor sa De La Salle College of St. Benilde. Nagsisimula ang kanyang araw sa ganap na 4:45 ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Pagpatak naman ng ika-6 ng gabi hanggang ika-9 ng gabi, estudyante naman siya sa nasabing paaralan.
Ito ang naging buhay niya sa loob ng apat na taon na puno ng pagsubok.
Masuwerte si Emmanuel na mapabilang sa scholarship na ibinigay ng paaralan sa mga working student. Naisangtabi niya kasi ang pag-aaral dahil sa nagkaroon agad siya ng pamilya na kailangang itaguyod.
Dahil sa pag-abot niya ng kanyang pangarap na makatapos ng pag-aaral, aminado si Emmanuel na naging limitado na ang oras niya sa kanyang pamilya. 3am pa lang ay umaalis na siya ng kanilang bahay papasok sa trabaho at uuwi naman siya ng gabi.
Ayon kay Emmanuel, tiniis niya at ng kanyang pamilya ang hirap dahil alam nila na para rin naman ito sa ikagiginhawa ng kanilang buhay.
Marami silang pagsubok na sinuong gaya na lamang ng pag-uwi ng kanyang mag-iina upang maalagaan ng kanyang misis ang nanay nito na may sakit na.
Naging karamay ni Emmanuel ang kaklse niya at thesis partner ang 27 taong gulang na si Karl. Kahit pa mas bata si Karl ay tumayo itong kuya ni Emmanuel na maging ang gastos sa kanilang thesis ay sinasagot na rin niya.
Ngunit ang di pa inaasahan ni Emmanuel ay ang pagpanaw ni Karl ng biglaan dahil sa malubhang karamdaman. Napakalaking dagok ito para kay Emmanuel dahil talagang si Karl ang naging sandalan niya nang tinatapos niya ang kanyang kolehiyo.
Bagaman at aminadong nahirapan, nakabangon naman si Emmanuel at ngayon nga ay nagtapos na siya ng kursong Bachelor of Science in Business Administration major in business management.
Labis na nakamamangha ang kwento na ito ni Emmanuel na sana ay magsilbing aral sa mga Pilipino na huwag basta basta sukuan ang mga nakabinbing pangarap.
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh