Kris Aquino, isang prinsesa umano sa pelikulang Crazy Rich Asians

Kris Aquino, isang prinsesa umano sa pelikulang Crazy Rich Asians

- Tila isang malaking sekreto nga ang Hollywood film na pinagbibidahan ng Queen of All Media na pinamagatang Crazy Rich Asians

- Gayunpaman, nagbigay ng medyo marami-rami na mga pahiwatig si Kris Aquino tungkol sa kanyang role sa pelikula

- Pero mukhang ibinigay na ng IMDb ang nasabing karakter ni Kris sa pelikula sa kanilang casting list

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang nasabing role reveal sa Fashion Pulis site na sinundan naman ng isang artikulo ng PEP.

Ayon pa sa napag-alaman ng KAMI, tila hindi basta basta ang role ni Kris Aquino sa nasabing Hollywood film.

At parang binuking ata ng IMDb ang nasabing karakter ng aktres-endorser-TV host sa pelikula.

Kahit na nagshare na si Kris ng konting facts sa kanyang pelikula ay hindi naman niya ito ibinulgar pa ang pangalan niya dito.

Pero parang binigyan tayo ng pabor ata ng website na nabanggit sa taas dahil dito ipinahayag na sa publiko ang nasabing full cast at crew.

Nabanggit nga na ang role umano ni Kris Aquino sa pelikula ay si Princess Intan.

Sa paglabas din nga mga hints na ito ay nagshare naman ng post sa Instagram niya si Kris Aquino ng piling scenes sa naturang pelikula

At sa isa pang video post ng Queen of All Media, praying siya na magiging okay na siya para umaatend sa Hollywood premiere ng pelikula.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel