Larawan ng ina na nagmi-make up sa anak niyang 'beki' pinagkaguluhan ng mga netizens

Larawan ng ina na nagmi-make up sa anak niyang 'beki' pinagkaguluhan ng mga netizens

- Viral ngayon ang larawan ng mag-ina na sumusubok ng make up sa isang mall

- Agaw eksena ito dahil sa ang nilalagyan ng make-up ng ina ay isang batang lalaki

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post at karamihan dito ay positibo dahil sa pagpapakita ng pagmamahal ng isang ina ano pa man ang kasarian ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang twitter user ang nagbahagi ng nakakaantig na larawan ng mag-ina na nagmi-make up sa isang mall.

Nalaman ng KAMI na naging agaw eksena ang larawan dahil ang inaayusan ng ina ay isang batang lalaki.

Ayon sa tweet ng netizen na si Quinn Lasaleta, saludo siya sa pagmamahal ng ina sa anak dahil suportado ng nanay kahit ano pa man ang kasarian ng anak.

Bakas naman sa mukha ng batang lalaki ang kasiyahan habang nilalagyan siya ng 'mascara' ng ina. Ayon pa sa post, nahihiya pa ang batang lalaki ngunit sabi ng ina "bakita ka mahihiya, e gusto mo ito."

Samantala, labis na namangha ang mga netizen sa mag-ina dahil nagpapakita ito ng di lamang suporta ng ina sa anak kundi pagmamahal nito sa kanyang anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Best gift for the child,walang ano mang bagay ang makakapantay sa pagtanggap nang isang magulang sa kanyang anak."

"hahahuhu happy for the kid"

"The first thing I noticed was his pretty smile"

"I'M NOT CRYING, U ARE"

"this is so wholesome my heart is melting awwwww"

"He looks so happy I wanna cry"

Dahil dito, napansin ng isang make-up vlogger na si Michelle Dy ang viral na tweet ng mag-ina. Nais bigyan ng ang mag-ina ng ilan daw sa kanyang make-up kaya naman nais niyang mai-tag siya at maipakilala sa mag-ina.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel