Insensitive naman kasi! Jericho Rosales, napapagod na rin daw siya kasasagot sa tanong na 'Kailan kayo magkaka-baby?'

Insensitive naman kasi! Jericho Rosales, napapagod na rin daw siya kasasagot sa tanong na 'Kailan kayo magkaka-baby?'

- Palaging naitatanong kung kailan na ba magkakaanak si Jericho Rosales at ang kanyang asawang si Kim Jones

- Lumabas kamakailan ang balitang nao-offend na raw si Jericho Rosales sa paulit-ulit na tanong ng media kung kailan sila magkakaanak

- Gayunpaman, nilinaw ng aktor na sanay na siya at hindi siya naiinsulto pag tinatanong siya ng ganitong tanong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa lumabas na mga ulat, nao-offend na raw si Jericho Rosales sa paulit-ulit na tanong ng media kung kailan sila magkakaanak ng asawang si Kim Jones.

Gayunpaman nilinaw ng aktor ang totoo niyang nararamdaman hinggil sa ganitong usapin.

Marahil ay marami ang excited sa kanilang magiging baby kaya panay ang tanong sa kanila. Matatandaang limang taon nang kasala ang mag-asawa.

Hindi naman daw siya naiinsulto sa tanong na ito ngunit nais niya lang umano sanang maging mas sensitive ang ibang tao lalo na sa mga mag-asawang walang kakayahang magkaroon ng anak.

"Not offended, but I think it’s more of, like, I understand not everyone is informed about the feelings. It’s about being well-informed about the feelings of couples.

Hindi naman daw nila alam ang pinagdadaanan ng mag-asawang hindi pa nabibiyayaan ng anak kaya sana ay hinay-hinay sa pagtatanong.

"When you ask someone, for example, you casually ask, 'Hey, kumusta? Kailan kayo magkaka-baby?'

"You don’t know what the couple is going through, even if Kim and I are not going through something, but there are couples who can’t make a baby because physically di puwede, or financially di kaya, or dreams, ganyan.

Sana daw ay isipin ang mga pwedeng dahilan.

"Ang daming reasons why, and it’s a question na medyo casual ang dating. You can’t blame people for asking, but it’s about time people understand it’s not easy to raise a child because—Why? If you are not prepared to have a child, yung bata ang mahihirapan."

Inamin din niyang ipinanganak siya sa isang pamilyang hindi pa ganun ka handa kaya siya nahirapan sa buhay.

"Bunga ako ng isang hindi prepared na relationship, and I had my share of hard times, and that’s where it's coming from.

Dahil sa mga karanasan niya ay natuto diumano siya.

"Natuto na ako. I’s not easy na gumawa lang ng bata dahil yun ang tradisyon at yun ang kultura at yun ang sinasabi nilang magpapatibay sa mag-asawa. Hindi yun.

"At ang magsa-suffer ay yung bata, naiiwan, lumalaking ano, sila yung sumasalo."

Napapagod lang daw siya kakasagot sa parehas na tanogn ng pa ulit-ulit.

"I don’t get insulted. I must admit there was a time na napagod na akong kasasagot, 'Bakit di pa kayo magkaka-baby?'

"Because why? Pag magkaka-baby na kami, I’m going to celebrate that, and I’m going to tell everyone."

Mapapanood si Jericho Rosales sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na halik. Makakasama niya sina Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel