Netizens, binatikos ang motoristang walang pasintabing dumaan sa 'wet cement'

Netizens, binatikos ang motoristang walang pasintabing dumaan sa 'wet cement'

- Di natuwa ang mga netizens sa ginawa na ito ng isang motorista na wala raw disiplina

- Nag-viral ang larawan ng isang sasakyan na walang ano-anong dumaan sa wet cement dahil naubusan di umano ito ng pasensya sa matinding trafik

- Umani ito ng iba't ibang pambabatikos sa mga netizens na nakakita sa larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang larawan ng isang sasakyan na walang pasintabing dumaan sa alam niyang basa pang semento.

Ayon sa post, dumaan daw ang motorista sa wet cement para makasingit sa haba ng trapiko.

Nalaman ng KAMI na nahihiya ang netizen na nagpost dahil sa kawalan di umano ng driver ng disiplina na kinakailangan pang dumaan sa ginawang kalsada.

Nakunan pa ang plate number ng sasakyan na USI 874 kaya madali raw malaman kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan kung talagang gugustuhin.

Karamihan ng mga netizens na naka-kita ng post ay labis na nadismaya sa ginawa na ito ng driver. Ayon sa kanila di dahilan ang matinding trapiko para gawin ang ganitong bagay. Nagpapakita pa nga raw ito ng pagiging makasarili dahil sa pagbabalewala ng driver sa proyekto ng gobyerno.

Narito ang ilan sa mga komento ng nagngingitngit na mga netizen:

"dapat pag bayarin ya g kumag na yan sa damages. walang considerasyon sarili lang inisip"

"Dapat ito ay pag-bayarin sa pinsala. Attention DPWH, LTFRB, LTO and others plus kulong."

"Bat ganun, Pag sira daan may reklamo...pag aayusin may reklamo pa rin... pag aayusin ng summer galit lahat at pag inayos nmn sa tag ulan may reklamo pa rin. Andami kasi walang disiplina at puro lang reklamo pero wala nmn ginagawa para tumulong... kung wala nmn tayong naitutulong wag na tau magreklamo."

"Kailangan tanggalan ng lisensya yung driver"

"UST 874 Mahuli ka sana at pasementuhan uli sayo yang dinaanan mo"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel