Xander Ford, ginawang motibasyon ang bashers para muling mag-aral

Xander Ford, ginawang motibasyon ang bashers para muling mag-aral

- Ipinahayag ni Xander Ford sa kaniyang interview na ang bago niyang pinagkakaabalahan ngayon ay pag-aaral

- Naging dahilan niya dito ang samu’t-saring pamba-bash sa kanya

- Sinisi rin ng social media sensation ang kaniyang sarili kaugnay sa mga negative reactions tungkol sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bagama’t naging tampulan ng tukso, inanim ni Xander Ford na ang kaniyang mga bashers ang nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.

Sa panayam sa programang “Pareng Partners,” napag-alaman ng KAMI na tumigil muna ang social media sensation sa larangan ng showbiz upang magbigay-daan sa muli niyang pagbabalik sa paaralan.

"Pumapasok po ako sa school, iyon po 'yong pinagkakaabalahan ko ngayon," pagbubunyag ni Xander.

Sinabi rin ng aktor na ang dahilan kung bakit nais niyang magpatuloy sa pag-aaral ay ang samu’t-saring panlalait ng mga tao sa kanya.

"Lagi ko naririnig sa tao is, 'Ang bobo mo naman. Mag-aral ka muna bago ka magpasikat,' so nag-study ako," ayon kay Xander.

Bukod pa dito, pinagsasabay din daw ng teenager ang pag-aaral at pagpapaganda ng katawan upang maging handa sakaling magbalik siya sa showbiz.

“Sinasabayan ko po ng gym, workout, tapos dancing kasi para if ever na katokin po ako uli ni Lord na makabalik po ako sa showbiz, meron pa din po akong ipapakita sa tao,” kuwento niya.

Narito ang video ng panayam kay Xander:

Bagama’t tigil muna sa showbiz, active pa rin daw si Xander sa kaniyang mga social media accounts kahit na alam niyang maari siyang makabasa ng mga negative comments tungkol sa kanya.

“Naisip ko po na parang kaya siguro ako bina-bash ng tao kasi mahilig kong husgahan yung sarili ko. Parang magpo-post ako na hindi ko muna iniisip, basta na lang, ganon,” sabi pa ng binatilyo.

Hindi rin naiwasan ni Xander na sisihin ang kaniyang sarili sa paghusga sa kaniyang hitsura bago pa man ito magpa-retoke.

“Ganon po ata yung nangyari sa akin. Ako po ata yung may kasalanan kaya po nangyari po ito,” pag-amin ng celebrity. “Napag-isip isip ko siguro kailangan respetuhin ko yung sarili ko para ma-respeto din ako ng ibang tao.”

Sa nakaraang balita ng KAMI, naging emosyonal si Xander matapos i-post sa social media ang nangyaring hiwalayan nila ng kaniyang non-showbiz girlfriend.

Si Xander, o noon ay si Marlou Arizala ng Hasht5, ay nakilala dahil sa kaniyang bagong hitsura na ibinunyag sa programang Rated K.

Simula nang magpa-retoke ang aktor, hindi rin siya tinantanan ng mga kontrobersiya katulad ng panlalait kay Kathryn Bernardo, ang kaniyang biglaang pagkawala, at ang pag post nito na tila nagpapahiwatig na siya ay depressed.

POPULAR: Read more news about Xander Ford!

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel