Ben Tulfo nagsalita na tungkol sa di-pagbalik ng P60 million, 'Mamuti na mga mata niyo'

Ben Tulfo nagsalita na tungkol sa di-pagbalik ng P60 million, 'Mamuti na mga mata niyo'

- Nagsalita na si Ben Tulfo tungkol sa di niya pagbalik ng P60 million

- Sabi niya legal ang kanilang ginawa at may mga pruweba siya na makakapagpatunay dito

- May utang pa nga raw ang PTV-4 at maniningil pa nga raw sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging kontrobersyal ang pangalan ni Ben Tulfo dahil sa P60M deal na ginawa ng kanilang advertisement firm sa gobyerno.

Nalaman ng KAMI na ang P60M ay mga "ad payments" ngunitito ay kinwestyon dahil sa kakulangan daw ng kontrata.

Nag-resign nga ang kapatid nina Tulfo, na si Wanda Teo bilang Tourism Chief noong May nang i-flag ng state auditors ang diumano'y wlaang kontrata na tourism ads sa blocktimer show ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo. Naiulat pa dati na nagalit si Mon kay Ben dahil sa deal na ito.

Noong Huwebes, nag-post ng saloobin si Tulfo ukol sa pagsauli ng P60M sa gobyerno, pero sabi niya mamuti nlang daw ang mga mata ng mga tao, wala daw silang isasauli.

Eto ang buong pahayag ng broadcaster:

"UPAK KO SA MGA BOBONG MEDIA, NAPANOOD NIYO?

Mga ENG-ENG na, mga OA pa! Sila yung mga nasa malalaking commercial TV network! Mga dilawang malalaking dyaryo at online news site.

Tinira ako sa 60-M...isauli ko na raw! Anong isasauli? Maninigil pa nga kami dahil may utang pa sa'min ang principal na PTV-4 dun sa kanilang kliyente, ang DOT.

Kumpleto kami sa kontrata at mga dokumento. Legal ang ginawa namin. Nai-deliver at tinrabaho namin. Gusto niyo ng pruweba? Nandito sa'min sandamakmak na mga video na nai-produce ng PTV-4 na ipinalabas sa Kilos Pronto nationwide, worldwide at sa social media. Patunayan niyo ang sinasabi niyong conflict of interest sa hukuman!

Sa mga nagsasabing isauli ang pera at hinihintay daw ang 60-M, mamuti na mga mata niyo! Wala kaming isasauli! Sa mga nagsasabing ilegal at nangulimbat kami, e'di sampahan niyo kami ng kaso, tutal nandyan naman ang COA at Ombudsman!

Dami niyong satsat! Mabaho na mga mikropono niyo mula sa mga malalansang laway niyo dahil sa lintik na sardinas niyo! Lumobo na ilong niyo at lumaki na mga braso niyo na 'di naman para sa chicks kun'di para sa mga boys. "Chick-boy" ka ba Joel? Kamusta ba, Mike?

Sama ko na 'yung kachokaran niyong gurang na ulyaning kuya namin! Siya ang may sabi ipakain na daw ako sa pating! Sagot ko sa kanya: Hoy! Magtanim ka nalang ng kamote sa Palawan! Limot ka na!"

Si Ben Tulfo ay isa sa mga sikat na media men na Tulfo brothers.

Nasangkot ang pangalan nila sa P60M ad-deal sa gobyerno.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel