Kinuwestiyon si Lord! Gary Valenciano, inalala ang naging reaksiyon nang matuklasan niyang siya ay may cancer

Kinuwestiyon si Lord! Gary Valenciano, inalala ang naging reaksiyon nang matuklasan niyang siya ay may cancer

- Maraming manonood ang nakiiyak kay Gary Valenciano nang ibahagi niya ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok

- Nagkakaroon ng cancer at problema sa puso si Gary nitong nakaraang buwan

- Naikuwento ni Mr. Pure Energy kung paano sinubok ang kanyang pananampalataya sa Diyos sa nangyari sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang episode ng Magandang Buhay, naikuwento ni Gary Valenciano kung paano sinubok ang kanyang pananampalataya sa Panginoon simula noong sumailalim siya sa open-heart surgery at ma-diagnose ng kidney cancer.

Maayos na si Gary sa kasalukuyan ngunit namin niyang may pagkakataon na kinuwestiyon din niya ang Diyos.

“Nagkaroon ng questions…sa palagay ko, may paraan kung paano tayo mag-question kay Lord, because even Jesus did that. When Jesus was on the cross, sabi niya, ‘why have you forsaken me?’

Emosyonal si Gary sa guesting na ito.

“Sa harapan pa ng ibang tao. So para sa akin, nagkaroon ako ng question pero hindi sa kung sino si Lord o kung ano siya, o buhay o hindi, o kung totoo o hindi?

Naitanong niya kung ano na ang susunod na dapat niyang gawin.

“Nagkaroon lang ako ng mga question na, ‘So, paano na ngayon? Maitutuloy ko pa ba ang mga ibinigay mo, o inilagay mo sa puso ko na gusto kong gawin? Makikita ko bang lumaki si Leia (apo kay Paolo Valenciano)? Paano ito ngayon?'” saad niya at hindi na napigilang umiyak.

Nagkaroon siya ng mga tanong tungkol sa mga bagay na kanyang nasimulan na kung maipagpapatuloy niya.

“Maitutuloy ko ba ang pagtayo sa isang entabladong tulad nito na kaharap ko ang mga taong mahal na mahal ko? Maitutuloy ko pa ba ang pagkanta ng mga awitin na alam kong makakatulong sa buhay ng iba’t ibang tao? Paano na ito? Bakit ba? Hindi pa ba sapat ‘yung diabetes? Bakit pa ito?”

Ibinahagi din ni Gary ang kanyang wish para sa kanyang kaarawan.

“Sana mapatunayan sa lahat kung gaano kabait si Lord, lalo na kapag umapak na naman ako sa entablado para sumayaw at humataw at kumanta para sa lahat. That’s my wish, that it would go on for many, many more birthdays to come.”

Si Gary ay kasalukuyang mapapanood sa Your Face Sounds Familiar at ASAP. Tinagurian siyang Mr. Pure Energy dahil sa kanyang energetic performance at sa galing niyang sumayaw at kumanta.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel