Gandang hindi tumatanda! Susan Roces at Alice Dixson nagdiwang ng kanilang kaarawan

Gandang hindi tumatanda! Susan Roces at Alice Dixson nagdiwang ng kanilang kaarawan

- Sabado, July 28, 2018, dalawang sikat at tila hindi tumatandang mga aktres ang nagdiwang ng kanilang kaarawan

- Sila ay sina Susan Roces at Alice Dixson na hindi naman maikaiila ang angking ganda na nalalantay sa kanila

- Ang butihing maybahay ng yumaong Fernando Poe Jr. ay nagdiwang ng kanyang 77 years sa mundo, at ang dating beauty queen naman ay 49 years old na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI na Dalawa sa kilalang pangalan sa telebisyon at pelikula ay nagdidiwang ng kani-kanilang kaarawan at sila ay sina Susan Roces at Alice Dixson.

Ang Queen of Philippine Movies at ang beteranang aktres at former beauty queen na si Alice Dixson ay nagdiwang ng kanilang araw ng panganakan noong Sabado, July 28.

Ayon pa sa balita na nakuha ng PEP, sinabi umano ng manager ni Susan Roces kung ano ang isa at tanging hiling ng reyna ng pelikulang Pilipino sa kanyang kaarawan, at ito ay good health.

Isang dinner naman daw ang nangyari para sa selebrasyon, at ito ay dinaluhan ng mga malalapit niyang mga kaibigan na naganap sa isang Thai restaurant sa Makati City pero ito ay naganap umano noong linggo.

Dagdaga pa sa balita, si Susan Roces pa rin ang tinaguriang:

"The face that refreshes."

Ito na rin ay dahil sa kanyang natural na angking ganda na walang retoke umano sa anumang bahagi ng kanyang mukha.

Samantala, isa rin sa may pinakamagandang mukha na tila hindi tumatanda ay ang dating beauty queen na si Alice Dixson.

Ayon naman sa birthday wish ng aktres, may kinalaman umano sa health ang ito:

Ani niya daw:

“a healthy happy family.”

Hindi naman umano itinanggi ng magandang aktres na magiging isang Golden Girl na siya sa susunod na kaagawan niya.

Pero marami ang hindi makapaniwala na 49 years old na ang aktres dahil mas bata pa ang hitsura niya sa kanyang edad.

Si Susan Roces ay ang butihing maybahay ng yumaong hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Siya din ang kinikilalang reyna ng pelikulang Pilipino.

Si Alice Dixson naman ang Philippine representative ng Pilipinas sa Miss International 1986, at naging sikat sa kanyang linyang "I can feel it!" sa isang Palmolive commercial.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel