"Hindi, huwag naman," John Estrada tungkol sa posibleng pagpapakasal ng anak na si Inah Estrada

"Hindi, huwag naman," John Estrada tungkol sa posibleng pagpapakasal ng anak na si Inah Estrada

- Ayon pa sa balita, hindi naman daw ikinagulat ni John Estrada ang pagpasok sa isa sa kanyang mga anak na si Inah Estrada

- Si Inah ay isa sa mga dalagang anak niya sa unang asawa na si Janice de Belen na ang nobyo ngayon ay ang kapwa Kapuso star na si Jake Vargas

- Dito ay naitanong umano sa aktor ang tungkol sa posibleng pagpapakasal ng anak sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nasagap namin sa PEP, naitanong sa aktor na si John Estrada ang tungkol sa isa sa kanyang mga anak na dalaga na si Inah de Belen Estrada, ang anak niya kay Janice de Belen.

Ang panayam ay nangyari umano noong July 23, sa presscon ng bagong Kapuso primetime series "Victor Magtanggol."

Napag-alaman ng KAMI na tinanong din pala ang aktor tungkol sa kung nagulat ba siya sa pagpasok sa relasyon ng anak.

Ani niya, hindi naman daw siya nagulat, at alam naman niya umano ang edad ng anak.

Saad pa daw ng aktor sa naturang interview tungkol sa relasyon ng anak na si Inah sa nobyo na si Jake Vargas:

“Nagpapahiwatig na, 'Baka 'eto na yun.' Sabi ko, 'Hindi. Mag-enjoy lang muna kayo.' Kasi ang daling mag-asawa. Ang dali, di ba?”

Kaya naman naitanong sa kanya ang tungkol sa pagpapahiwatig ng anak ng pagnanais ng magpakasal sa nobyo.

Ang sagot naman ng seasoned actor:

“Hindi naman [nagpapahiwatig], pero alam mo namang doon papunta yun, e. Ilang taon na yung anak ko."

Pero sabi daw niya:

"Hindi, huwag naman."

Sambit pa ng aktor:

“'Mag-ano kayo, pumunta kayo sa iba’t ibang lugar. Explore.''Malay niyo next year sawa na kayo sa isa’t isa, iba naman.'”

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel