Regine Velasquez isiniwalat ang isang bagay na ayaw niyang gawin sa isang singing talent show

Regine Velasquez isiniwalat ang isang bagay na ayaw niyang gawin sa isang singing talent show

- Sa kanyang kasikatan at mga karanasan at top-selling albums ng mga kanta niya ay hinding hindi natin masyadong nakikita ang Asia's Songbird na nag-aappear sa mga singing talent search shows

- Ito ay sinagot ni Regine Velasquez sa panayam niya kamakailan lang sa pagbisita ng press people sa bagong show niya na The Clash

- Dito ay may tinanong ang mga miyembro ng press tungkol sa hindi masyadong ginagawa ni Regine sa mga shows

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na naispatan namin sa Philippine Entertainment Portal (PEP), binisita nila ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Napag-alaman ng KAMI na sa nasabing interview ng mga press tinanong si Regine kung bakit palaging host ng mga programa siya at hindi naging isa sa mga judges.

Ang saad ni Regine Velasquez:

“Actually, hindi ako masyadong nagdya-judge. Ayaw kong mag-judge. Hindi ako magaling mag-judge.”

Pinaliwanag ng singer-actress-TV host na hindi daw niya mapigilan na magreact pagnakarinig siya ng isang mali sa performance ng isang contestant.

Bahagi pa ni Regine:

“Kasi ganito yung mukha ko [makes face], hindi ako aware, nakakahiya doon sa [contestant]. Kapag nga nandun ako sa gilid gumaganito talaga ako [makes face]. 'Tapos naglalaro talaga ako para hindi nila makita. Hindi ko ma-help.”

Ipinaliwanag pa ng The Clash host na ang dahilan siguro ay dahil sa singer siya.

Dagdag pa ng may bahay ni Ogie Alcasid:

“Kasi kami, most singers, are called relative pitch."

Pagkatapos niyang sabihin ito ay lumingin siya sa kaibigan at The Clash's judge na si Lani Misalucha at sinabi na:

“Hindi tayo perfect pitch. Si Lea lang.”

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel