5 Pinaka hindi makakalimutang eksena sa Meteor Garden fans

5 Pinaka hindi makakalimutang eksena sa Meteor Garden fans

Mapapa throwback tayo sa mga hindi makakalimutang mga eksena sa tumatak sa puso at isipin ng mga orihinal Meteor Garden fans.

Sa napakaraming Korean novelas na pinaibig tayo, ang Meteor Garden nina Shan Cai, Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Xi Men, at Mei Zou ang talagang tumagos sa puso ng mga Pinoy.

Kaya ating muling balikan at maiyak, mapaibig, tumawa, at kiligin sa mga most memorable scenes nina Shan Cai at ang F4.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ang mga eksena ng orihinal na Meteor Garden na pinalabas sa Kapamilya network na kinurot, sinaksak, at pinangiti ang ating mga puso na una naming nakita sa listahan ng top 10 sa Spot.ph.

Ngayon ay sisilipin ng KAMI ang lima sa top 10 na mga most memorable scenes ng sikat at tumatak sa puso ng Pinoy na Korean novela.

5. Ang paghabol ni Shan Cai kay Dao Ming Si sa bus.

Kahit nasa ikalawang season na ito ng Korean drama hit series na Meteor Garden, ito talaga ang isa sa tumatak sa puso ng mga fans.

Sa eksenang ito nakita ni Shan Cai sa daan si Dao Ming Si na nasa bus. Ito yung panahon na nagka-amnesia ang huli at pinangalanan siyang Ah Si.

Nang tumakbo ang bus, tumakbo din si Shan Cai habang bitbit ang pinaling grocery at sumisiga na “Dao Ming Si.”

Sa sobrang sikat ng eksena ay ginawan pa ito ng parody ng Kanto Boys at ni Toni Gonzaga ng ASAP.

4. Ang pagkakita ni Dao Ming Si sa paghahalikan nina Hua Ze Lei at Shan Cai.

Ito ang isa sa pinaka-intense na eksena sa Meteor Garden na dinurog ang mga Dao Ming Si at Shan Cai fans pero kinilig naman ang mga Hua Ze Lei at Shan Cai fans.

3. Ang pagkakuha ni Shan Cai ng red card.

Ang isa sa pinakasikat at pinag-usapan na eksena sa Meteor Garden ay ang pagkakuha ni Shan Cai ng red card.

Tila napakasimple na eksena pero dito nag-umpisa lahat ang kilig ni Dao Ming Si.

2. Ang pagkasakit ni Dao Mi Si at pagkakulong nila ni Shan Cai sa may hagdanan.

Ito yung eksena na sa wakas ay nakahingi ng date si Dao Ming Si kay Shan Cai. Ngunit hindi klaro ng huli kung anong oras sila dapat sana magkita.

Naghintay si Dao Ming Xi ng ilang oras sa kanilang meeting place hanggang sa umulan na ito.

1. Ang pagkabugbog ni Dao Ming Si at pagtakip ni Shan Cai na hindi na masaktan si Daong Mi Si.

Ito yung moment na natakot ka sa kanila pero kinilig dahil kitang-kita mo na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Ano ang pinaka memorable sa inyo?

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel