Chanel bag ni Ai-Ai delas Alas na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 PhP, sinira alagang niyang aso

Chanel bag ni Ai-Ai delas Alas na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 PhP, sinira alagang niyang aso

- Hindi ma express ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang naramdaman matapos makita ang sinapit ng kanyang mamahaling bag

- Ang kanyang Chanel bag na nag-iisa ay sinira ng kanyang asong si Sailor

- Ibinahagi niya ang kanyang reaksiyon nang matuklasan niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maipinta ang mukha ng komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas nang matuklasan niyang sira na ang kanyang kaisa-isang Chanel bag.

Ito ay matapos ngatngatin ng alagang asong si Sailor na isang Pekingese dog.

Sa kanyang ibinahaging video, kitang kita ang kanyang reaksiyon na tila nag-iisip kung paano mareremedyuhan ang nangyari sa kanyang bag.

Sa caption ng video, isinulat niya, "Ano ang nangyare sa kaisa-isa kong channel (iisa na nga lang eto pa ang nangyare )

"ok lang anak mas mahal kita sa channel ko #mydearsailor #ganyanangbuhay"

Maririnig si Ai-Ai na nagsasabing, "Kinagat ni Sailor yung Chanel. Di ko naman siya mapalo, dog siya."

Ang bag na sinira ni Sailor ay isang Chanel Cambon black quilted leather shoulder bag. Ayon sa tradesy.com, nagkakahalaga ang bag na ito ng $3,995 o PHP213,021.39.

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang komedyante na kasalukuyang napapanood sa GMA 7 sa Sunday Pinasaya na mapapanood tuwing Linggo.

POPULAR: Read more about Ai-Ai Delas-Alas here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel