Single mom na walang mga kamay, 20 taon nang labandera gamit ang kanyang mga paa

Single mom na walang mga kamay, 20 taon nang labandera gamit ang kanyang mga paa

- Di naging hadlang kay Lourlie Cavite ang kawalan niya ng mga kamay para maghanapbuhay para sa kanyang mga anak

- 20 taon na siyang labandera gamit ang mga paa at ni minsan ay di niya ininda ang hirap sa kanyang ginagawa

- Wala nang asawa si Lourlie kaya mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang apat na mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang single mom na si Lourlie Cavite na sa kabila ng kawalan niya ng mga kamay ay nagawa pa rin niyang maghanapbuhay.

Nalaman ng KAMI na 20 taon nang labandera si Lourlie at ang nakakahanga pa rito ay ang paglalaba niya gamit ang kanyang mga paa.

Nakamamanghang mga paa ang gamit niya sa pagkuskos at pagpiga ng kanyang mga labada.

Apat ang kanyang mga anak na binubuhay at bagaman wala siyang mga kamay, di ito naging hadlang sa paggawa niya ng responsibilidad niya bilang isang ina sa kanyang mga anak.

Kaya naman maraming mga netizens ang labis na humanga sa ginagawang ito ni Lourlie.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Isa ka bayaning ina"

"Saludo po ako sa ina na katulad nyu..isang dakilang ina at makabagong bayani..love u po.."

"Nakakabilib, yung ibang ina nga inaabanduna na lang ang kanilang mga anak."

"Sana may tumulong sa kanya na magka-sari-sari store na lang para di na siya mahirapang maglaba"

"Ibang klase, di naging excuse yung wala siyang hands sa paghahanapbuhay"

Taliwas sa naunang kwento na naibahagi ng KAMI kung saan isang bata ang inabanduna ng ina sa kanyang lola, di tinalikuran ni Lourlie ang pagiging magulang niya sa kanyang anak kahit siya pa ay may kapansanan.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel