Parang tunay na ama! Paolo Contis, handang mamatay para sa anak ni Paulo Avelino na si Aki

Parang tunay na ama! Paolo Contis, handang mamatay para sa anak ni Paulo Avelino na si Aki

- Nagpaabot ng mensahe si Paolo Contis sa anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino na si Aki sa ika-walong kaarawan nito

- Kahit hindi pa sila kasal ni LJ at hindi pwedeng tawaging stepson si Aki, matapang na sinabi ng komedyante na kaya niyang humarang ng bala para bata

- Nagpahayag din ng mensahe ang kaniyang nobya na si LJ Reyes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kuwela ngunit malalim ang naging mensahe ng komedyanteng si Paolo Contis sa ika-walong kaarawan ng anak ng girlfriend nitong si LJ Reyes.

Bagama’t hindi tunay na kadugo, nalaman ng KAMI na malapit ang Bubble Gang star sa batang si Ethan Akio Reyes o Aki na anak naman ng Kapuso primetime star sa dati nitong karelasyon na si Paulo Avelino.

Hindi pa man kasal ang dalawa at hindi pa masasabing stepson ni Paolo si Aki, palagi na itong magkasama.

Sa kaniyang Instagram account, tahasang ipinahayag ni Paolo na kaya niyang humarang ng bala para lang maprotektahan ang kaniyang anak.

Sinabi pa nito na lagi niya lang mamahalin at gagabayan si Aki kahit na ano pa ang mangyari.

“Happy Birthday sayo Kalbo! Malunod ka sana lagi sa aking pagmamahal.. Lagi akong nandito para sayo alam mo yan!” sabi ng aktor.

Hindi naman naiwasang makita ang pagka-komedyante ni Paolo nang sabihin nito na kaya niyang humarang ng bala ngunit hindi ng ipis.

“Haharang ako ng bala para sayo... pero wag lang sana ipis! Ikaw na bahala sakin dun ha!” tugon ng komedyante.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe sa Instagram ang kaniyang nobya na si LJ para sa kaarawan ng anak.

Sinabi nito na nagbago ang kaniyang buhay simula nang isilang niya si Aki.

“My life changed entirely and for the better!!! I think I became a better person because of you,” pahayag ni LJ.

Hindi rin naitago sa post ng aktres kung gaano ito kasaya sa pagdating ng anak sa buhay niya.

“I am very proud of you baby! I hope you know that! I will always shout to the world, mahal na mahal na mahal kita!!!! Happy birthday my Aki!” sabi ng Kapuso star.

Bata pa lang si Paolo ay sumikat na ito sa programa ng ABS-CBN na Ang TV. Lumabas din ito sa mga pelikula katulad ng Darna, Basta’t Kasama Kita, at Mara Clara: The Movie.

Noong 2004, lumipat si Paolo sa GMA Network at naging regular na komedyante sa Bubble Gang.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel