Pulis sa viral video ng di umano ay nanampal sa bus driver, sibak na raw sa pwesto

Pulis sa viral video ng di umano ay nanampal sa bus driver, sibak na raw sa pwesto

- Pinatawag na ng NCR PO Chief Guillermo Eleazar ang pulis na si umano ay dalawang beses nanampal ng driver

- Nakilalala ang pulis na si PO1 Edmer Costo ng Parañaque na nakunan ng video ng pasahero ang aktong pananampal sa isang driver

- Natanggal na sa pwesto niya si PO1 Costo at inilipat na ito sa Regional Headquarters Support group

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video kamakailan ng isang pulis trapiko na nakilalang si PO1 Edmer Costo kung saan naaktuhan ng isang pasahero ang pananampal di umano ng pulis sa isang bus driver.

Nalaman ng KAMI na pasigaw daw na nilapitan ni PO1 Costo ang driver kaya naman di na nagdalawang isip ang pasahero na kunan ang mga sumunod na pangyayari.

Hiningi raw ng pulis ang lisensya ng tsuper at sinampal sampal ang lisensya sa mukha nito. Di naman daw tinikitan ang tsuper dahil wala naman daw itong violation.

Pinatawag ng NCR PO Chief Guillermo Eleazar si PO1 Costo para marinig ang paliwanag nito at di naiwasang masermuman ang pulis trapiko.

Ayon sa salaysay ni PO1 Costo, nainsulto raw siya sa ginawa ng driver at konduktor nito kung saan sinusubaukan daw siyang suhulan dahil sa panghuhuli raw sa kanila.

Dahil sa nangyari, inilipat na lamang ng posisyon si PO1 Costo sa Regional Headquarters support group at inalis na ito sa pagiging pulis trapiko.

Giit pa ni C/Supt. Tomas Apolinario, malinis naman daw ang record ni PO1 Costo sa apat na taon nitong serbisyo ngunit kailangan pa rin niyang matutunan ang 'anger management' lalo na at madalas siya sa kalsada.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel