MAC, Shiseido dumagdag sa listahan na ayaw ng makatrabaho ang Kuwaiti star

MAC, Shiseido dumagdag sa listahan na ayaw ng makatrabaho ang Kuwaiti star

- Nadagdagan ang listahan ng mga world-class giant makeup brands ang ayaw makatrabaho o makipag-ugnayan sa Kuwaiti star na si Sondos Alqattan

- Inilaglag na naman ng dalawang sikat at malaking makeup brands sa buong mundo ang social media celebrity dahil sa kanyang mga sinabi laban sa mga Pinoy domestic helpers

- Ang MAC at Shiseido ay madiin na klinaro na wala silang kahit na anong partnership o kahit anong ugnayan kay Alqattan at wala na silang plano para makatrabaho man lang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ripple effect na nga kaya ng karma para kay Sondos Alqattan?

Tila nag "ripple effect" ang di kaaya-ayang mga sinabi at aksyon ng Kuwaiti social media celebrity na si Sondos Alqattan laban sa mga Filipino domestic helpers.

Napag-alaman ng KAMI ngayon na nadagdagan ang mga worldclass cosmetic giants na binagsak ang viral na ngayon na Kuwaiti star.

Ang dalawang sikat at malaking global cosmetic brands na MAC, at ang Japanese brand na Shiseido ay nagpahayag ng pagkadismaya sa ginawa ni Alqattan na pinag-uusapan saang sulok man ng mundo ngayon.

Ayon sa isang opisyal na statement na sinabi umano ng MAC Cosmetics sa Gulf News:

"We currently do not have any partnerships with her and will no longer be working with her on any brand activities."

Dagdag pa ng giant brand na MAC:

"MAC strives to align ourselves with partners that share our core values and in no way tolerate excluding anyone."

Ang Japanese brand naman na Shiseido na sikat din sa buong mundo ay nagbigay din umano ng kanilang statement tungkol sa hindi kaaya-ayang gawi ng Kuwaiti star sa pamamagitan ng pagsabi sa United Nations Migration officer Chinky Bacal-Mayencourt na:

"Shiseido understands that it must respect the human rights of all persons as a pre-requisite to conduct business activities for its sustainable growth together with the global society."

Pagtatapos na sabi ng brand:

"Shiseido is not currently working with Sondos. We have no plans to work with her again in the future."

Matatandaan na binalita din namin kamakailang ang pahayag ng Etude Philippines sa Instagram page pero ngayon, nagsabi na ang mismong Etude House sa Gulf News na:

"As an Asian-origin company we support the uplifting and betterment in living conditions of domestic help in the Middle East."

Tila dumarami na nga ang mga global cosmetic giants na binabagsak at ni ayaw makipag-ugnayan sa Kuwaiti star na si Sondos Alqattan na ayaw magsorry para sa kanyang mga komento.

Ang MAC, Shiseido, at Etude House ay dumagdag sa mga naunang worldclass makeup giants katulad ng MaxFactor Arabia, Chelsea Beautique London, M. Micallef Parfums, at ang Phyto USA na binitawan si Alqattan at ayaw makipag-ugnayan sa Kuwaiti star.

Unang gumawa ng headline ang social media star ng binatikos niya ang bagong batas na nagproprotekta sa mga Pinoy domestic helpers sa isang video.

Dahil dito ay nabash siya online at binatikos ng mga netizens pati ng kanyang kapwa kapatid sa pananalig na si Khalid Al Ameri.

Tila "alipin" daw ang gusto nito at hindi "katulong," ayon pa sa mga netizens.

Kaya naman naging "undesirable employer" siya ng mga domestic helpers.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel