Netizens, pinuna ang 'affordable' na damit ni VP Leni Robredo

Netizens, pinuna ang 'affordable' na damit ni VP Leni Robredo

- Pinuna ng mga netizens ang isang outfit ni VP Leni Robredo kung saan mukha raw 'shower curtains' ang terno na damit ng Bise president

- Ayon sa kanila, di na raw kailangan maging designer outfit ang suot ng isang prominenteng tao gaya ng ginawa ni VP Leni

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di nakawala sa mapagmatyag na mata ng mga netizens ang naging outfit ni VP Leni Robredo.

Sa isang post ng Pinoy Trends and Quotes, makikita ang isang larawan ni VP Robredo na nakasuot ng plain peach blouse at floral skirt.

Nalaman ng KAMI na inihalintulad ito ng netizen sa 'shower curtains' na kung titingnan nga ay kakulay at kapareho ng suot ng Bise Presidente.

Ayon sa pa sa post, di raw kailangan pang mag-effort pa sa mga mamahaling damit gaya ng ginawa raw ni VP Robredo. Tila nagmukha pa raw itong 'do it yourself' dahil nga mukha raw itong mga kurtina.

Samantala, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Ang iba, ay nagsasabing wala naman daw mali sa suot nito.

Narito ang iba sa kanilang mga reaksyon:

" Ifever.... I don’t see anything wrong, as she has been known for her low profile standard of living though notable..."

"Totoo kaya ito?"

"Grabe, sobra namang pagtitipid ata ni VP"

"Kaloka, itinodo ang pagiging low profile talaga e noh?"

Di pa rin talaga humuhupa ang pamumuna sa Bise Presidente ng bansa gaya na lamang ng naung nai-report ng KAMI.

British blogger pa ang nakapansin na tila di raw kumakanta ng Pambansang awit si VP Robredo sa SONA 2018.

Halatang halata raw ang di nito pagkanta dahil ang mga katabi nito na sina Manila Mayor Joseph Estrada at asawa ni Senator Tito Sotto na si Helen Gamboa ay kitang kitang buong pusong kumakanta ng 'Lupang Hinirang'.

Bilang Bise Presidente daw kasi ng bansa, nararapat lamang daw na maging ehemplo ng pagbibigay galang lalong na kung ito pa ay sa isang importanteng okasyon gaya raw ng SONA.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel