Nabiktima rin sila! 6 Local celebs na naranasang manakawan

Nabiktima rin sila! 6 Local celebs na naranasang manakawan

Maging ang mga local na celebrities na ito ay mga biktima rin ng panloloob ng bahay, sasakyan dahil sa motibong pagnanakaw.

Alamin kung paano ito nangyari ayon sa GMA news upang tayo mismo ay makapag-ingat at di na rin natin ito maranasan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. Sanya Lopez at Jak Roberto

Binalot ng takot ang magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto nang napasok ang kanilang bahay noong Marso ng nakaraang taon.

Wala ang magkapatid nang naganap ang insidente ngunit nakita ng manager nila ang menor de edad na suspek. Natangay nito ang mga cellphone ng kasambahay nina Sanya at Jak.

2. Cherry Pie Picache

Di lang pagnanakaw ang naganap sa tahanan ng aktres na si Cherry Pie Picache. Setyempre ng taong 2014 nang nilooban ng suspek na nakilalang si Michael Flores ang bahay nina Cherry Pie. Nakita siya ng ina ng aktres at sa kasamaang palad napatay pa ni Michael si Zenaida Sison, ang ina ni Cherry Pie. Napatawan ng 40 taon na pagkakabilanggo ang suspek.

3. Gerald Anderson

Kamakailan lamang nang napabalitang nanakawan ang aktor na si Gerald Anderson.Una nang nai-report ng KAMI na anak ng dating katiwala ni Gerald ang suspek sa pagnanakaw. Naibalik naman ang mga shirt at mamahaling sapatos ni Gerald na nakuha sa kanya.

4. Dingdong Avanzado

Di rito sa Pinas ang naranasang pagnanakaw sa kotse ng singer/actor na si Dingdong Avanzado kundi sa Vallejo, California. Nito lamang Hunyo, binahagi ni Dingdong ang basag na salamin ng kanyang kotse kung saan nakuha ang kanyang body-bag na naglalaman ng mahahalagang cards at wallet niya.

5. Nadine Lustre

Tulad ng nanagyari kay Dingdong Avanzado, di rin dito nanakawan si Nadine Lustre kundi sa Estados Unidos. nasa US tour noon si Nadine kasama ang boyfriend na si James Reid nang basagin ang kanilang kotse kung saan nakuha ang bag ni Nadine at kanyang camera.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel