Marian Rivera napabilang sa 'Top 5 Richest Female Celebrities in Spain 2018 Spanish Billionaires'

Marian Rivera napabilang sa 'Top 5 Richest Female Celebrities in Spain 2018 Spanish Billionaires'

- Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Primetime Queen ng Kapuso na si Marian Rivera ay may dugong Espanyol

- Kaya naman hindi na rin nakakagulat kung makita man natin siya sa mga write-ups or websites na dedicated sa bansang Espanya

- Ngunit, nakakamangha pa rin pag siya ay inulat sa mga nasabing online sites dahil na din marami namang ibang mga celebrities sa Spain lalo ng pag siya ay top 5 sa pinakamayaman na Spanish female celebrities

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa officia fanpage ni Marian Rivera sa Facebook una naming nakita ang nakakabilib na istoryang ito na galing naman sa Team Dantes website.

Ang balita ay unang inilatha sa sa Elite Shared website at lumabas din ito sa Top Richests' site.

Napag-alaman nga ng KAMI na kahit na Philippine-based ang napakagandang celebrity mom at aktres ay tinanghal siya bilang isa sa pinakamahal ang bayad na Spanish celebrities.

Ang Kapuso Primetime Queen ay diumano'y mayroong "estimated net worth" na nagkakahalagang humigit-kumulang $7 million.

Siya lang din naman ay na ihilera siya sa highest paid female celebrities ng bansang Spain, ayon na din daw sa mga financial magazines kagaya ng Forbes at Bloomberg.

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Ipinanganak naman niya si Zia noong November 23, 2015. Sinabi na niyang may balak siyang magkaroon ng pangalawang baby sa hinaharap.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel