Khalil Ramos matapang na sinagot ang isyu tungkol sa pagkasira ng GabRu loveteam

Khalil Ramos matapang na sinagot ang isyu tungkol sa pagkasira ng GabRu loveteam

- Ang lalaki na tinuturong dahilan ng pagbuwag sa isa sa pinakamamahal na loveteams sa GMA-7 ang Gab-Ru ay sa wakas nagsalita na

- Kamakailan nga ay isiniwalat ni Gabbir Garcia ang pagtatapos ng kanyang loveteam kay Ruru Madrid

- At ang diumano'y dahilan na si Khalil Ramos ay ngayon nagbigay ng matapang na sagot tungkol sa mga isyu na pinupukol sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ang balita na napag-alaman namin sa PEP na ang lalaki na tinuturong dahilan umano sa hiwalayan ng Gabbi Garcia-Ruru Madrid loveteam na si Khalil Ramos ay nagsalita na pagkatapos ng maraming haka-haka.

At nalaman nga ng KAMI na itinakwil ng Kapamilya star na siya daw ang dahilan sa pagkabuwag ng nasabing loveteam.

Nagkaroon ng pagkakataon ang press na matanong ang singer at aktor tungkol dito sa press launch ng bagong digital video-making contest na pinamagtang "Lights Camera Magic" ng Star Magic, noong Miyerkules, July 25, 2018.

Sagot ng 22-year-old Kapamilya actor-singer sa tanong ay:

“Pagkasira ng love team? I don't think I'm any part of that.”

Dito rin ay ipinaliwanag niya ang anumang koneksiyon na mayroon siya at ng 19-year-old Kapuso star ay labas umano sa ginagawa nila sa showbiz.

Ayon kay Khalil:

“I was never part of, you know, the business, that's what I mean. Outside kami sa showbiz."

Dagdag naman niya na:

“Hindi naman kami yung, like, all out na, 'Hello, this is me and Gab.' I mean, we're good friends, we go out, pero we're just really chill."

Ukol naman sa isyu ng Gab-Ru loveteam, ani niya:

“Regarding that issue, I have nothing against the love team. It never became part of my life, kumbaga. I understand we're working.”

Sa pagtatapos, tinanong si Khalil tungkol sa estado ng kanyang relasyon kay Gabbi Garcia, at ang sagot naman niya ay:

“We're close friends. We go out. Yun lang yun.”

Matatandaan na nagpalabas ng opisyal na statement si Gabbi Garcia noong Mayo sa kanyang Twitter account tungkol sa pagbuwag ng kanilang 4-year teamup ni Ruru Madrid.

Pakinggan ang sagot ni Khalil sa issue at timestamp 8:10.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel