Parehas daw kasi sila! Catriona Gray, si Maymay Entrata ang gustong gumanap para sa kanyang life story sa MMK

Parehas daw kasi sila! Catriona Gray, si Maymay Entrata ang gustong gumanap para sa kanyang life story sa MMK

- Sa isang panayam ay ibinahagi ni Catriona Gray na may pagkakaparehas sila ni Maymay Entrata

- Kaya naman siya ang napili niyang gumanap pag isinabuhay ang kanyang life story sa Maalaala mo Kaya

- Ayon pa kay Catriona, parehas sila ni Maymay na masayahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ay naitanong kay Miss Universe PH 2018 Catriona Gray kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya kung sakaling isasabuhay ang kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya.

Napili niya ang aktres na si Maymay Entrata dahil umano sa kanilang pagkakaparehas.

“I’ll pick Maymay (Entrata), she’s kind of a goofball, a little bit like me,” sagot niya.

Bukas din daw umano siya sa pagpasok sa pag-aartista at sa pag-arte pagkatapos ng Miss Universe Pageant ngunit meron isang bagay na nagiging dahilan upang siya ay mag-alangan.

“I’m open to it. But I feel like, they’ll have a hard time getting me an on-screen partner. I feel like I’m way too tall for acting,” sabi niya habang tumatawa.

Ayon pa kay Catriona, pangarap niyang makapagperform at mapursue ang kanyang career sa music. Isang video kung saan kumakanta siya ng awitin ni Celine Dion ang ibinahagi ng Push.

Si Catriona Elisa Magnayon Gray ay isang Filipino-Australian na TV host, singer, model at beauty queen. Siya ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2018 at Miss World Philippines 2016. Siya ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss World 2016 kung saan pumasok siya sa Top 5. Muli siyang sasabak bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2018 pageant.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel