"Saved." - Kiana Valenciano isinaliwalat ang lihim na pinagdaanan noon na kanyang nalampasan

"Saved." - Kiana Valenciano isinaliwalat ang lihim na pinagdaanan noon na kanyang nalampasan

- Sa isang Instagram post na nagtrending ngayon, isinaliwalat ng anak ni Gary Valenciano na si Kiana ang kanyang lihim na pinagdaanan noon na kanyang nalampasan

- Ibinunyag nga ni Kiana Valenciano ang peklat na nasa kanyang batok nang may isang tao daw ang nagtanong tungkol dito

- Dito na binahagi ng singer ang pinagdaanan na "anxiety and depression" mga dalawang taon na nakakaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita na nasagap namin sa Push, nag open-up si Kiana Valenciano kamakailan lang sa isang labanan na lihim niyang pinagdaanan pero salamat sa kanyang pamilya, kaibigan, at ang kanyang boyfriend na si Sam Concepcion dahil nalagpasan daw niya ito sa tulong nila.

Napag-alaman ng KAMI na dumaan pa la sa "anxiety and depression" ang dalagang anak ni Gary Valenciano.

Saad niya, may isang tao daw ang nagtanong sa kanya tungkol sa tattoo na nasa batok niya.

Dito ay sinagot niya sa post niya kamakailang lang.

Unang bungad niya ay sinulat niya sa caption niya ang "Saved."

Ang ibig niyang sabihin ay naligtas siya sa kanyang pinagdaanan na anxiety at depression.

Isiniwalat niya na noong 2016 daw ay isang mabigat na taon para sa kanya dahil dumaan siya sa nasabing stage sa buhay niya.

At dahil daw dito ay hindi niya namamalayan na sinasaktan na niya ang sarili niya.

Hindi niya ito napansin hanggang isang kaibigan daw niya ang nagsabi sa kanya na mayroon siyang mga kamot o kalmot sa likod ng aking leeg.

Doon lang niya napagtanto na nawawala siya at kailangan niya ng tulong pero ngayon daw ay dinideal na niya ang anxiety sa mas malusog na paaraan.

Ito daw ay dahil sa tulong ng panginoon, kanyang pamilya, at ang kanang mga kaibigan, at si Sam Concepcion.

Pagtatapos pa niya na sabi:

"No more scratches! Just a reminder that I’m saved. “

Hinimok niya ang kanyang mga followers na nasa parehong sitwasyon na maghanap ng tulong at saad pa niya:

“If you’re going through something, don’t be afraid to let people in. Let your loved ones love you.”

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel