Nakakaiyak! Paco Larrañaga, nagpasalamat sa lahat ng nagpahiwatig ng pagsuporta sa kanyang laban

Nakakaiyak! Paco Larrañaga, nagpasalamat sa lahat ng nagpahiwatig ng pagsuporta sa kanyang laban

- Bumuhos ang suporta para kay Paco Larrañaga matapos naging viral ang dokyumentaryo na pinamagatang " Give Up Tomorrow"

- Kaya naman, sa isang Facebook post ay ipinarating ni Paco ang kanyang pasasalamat

- Ipinaabot niya rin na sana ay mapakinggan din ang hinaing ng kapwa niya akusado na ngayon ay nakapiit pa rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos bumuhos ang suporta kay Francisco Juan “Paco” Larrañaga, nagpaabot siya ng mensahe ng pasasalamat sa pamamagitan ng Facebook.

Si Larrañaga ay isa sa tinaguriang "Chiong Seven" na nakulong sa kasong kidnapping at panggagahasa diumano sa Chiong sisters na sina Marijoy at Jacqueline sa Cebu noong 1997. Si Marijoy ang diumano'y pinaslang.

Ang anim pang nakasuhan ay sina Jozman Aznar, Rowen Wesley Adlawan, Alberto Allan "Pahak" Cano, Ariel Balansag, James Andrew "MM" Uy at James Anthony Uy.

Halos lahat ng nasangkot ay galing sa prominenteng pamilya kagaya na lamang ni Paco na apo ni Sergio Osmeña Sr.

Muling pinag-usapan ang kasong ito matapos pinalabas sa sinehan ang "Jacqueline Comes Home" na base umano sa true to life story ng Chiong sisters.

Marami ang nanawagan na i-boycott ang nasabing pelikula at sa halip ay panuorin na lamang ang “Give Up Tomorrow” na unang lumabas noong 2011. Ito naman ay nagpapakita ng diumano'y injustice na nangyari sa mga akusado.

Sa kanyang post, nagpasalamat si Paco sa kanyang mga taga suporta.

“Hello Everybody! This is Paco. I wanted to say thank you from the bottom of my heart to all of you who have sent me messages of support, encouragement and prayers. Thank you for taking the time to learn about the human rights abuses and the facts of our case,” saad niya.

“This is very important to me because maybe by knowing what happened to us it will prevent more innocent people from falling through the cracks of the justice system. Thank you for being my voice when I cannot speak out in our fight for justice. I am so overwhelmed with gratitude. Reading your messages puts a smile in my heart,” dagdag pa nito.

Idiniin niya rin na kagaya niya, inosente rin ang 6 na iba pang akusado.

'My co-accused are innocent too'

Sana daw ay mapakinggan din ang kanilang mga kwento kagaya ng sa kanya.

“I also wanted to tell you that I am not the only one who is innocent. My 6 co-accused are just as innocent as I am,” sabi pa niya.

Nagpapasalamat lang daw umano siya na ang justice system ng Spain ay makatao at nagbibigay ng pagkakaton.

“But not a day goes by that I do not think about James Andrew, James Anthony, Alberto, Ariel, Josman and Rowen and feel a pain in my soul because they do not deserve to be in Bilibid any more than I do,” Larrañaga said.

“They are victims of injustice just like me. If you can, please hear their stories too,” he added.

Ayon naman sa mga ulat, mapapalaya ang Chiong 7 kapag nabigyan sila ng pardon ng pangulo.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy

Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy

Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel