Bus driver, sinapok ng isang bagitong pulis sa isang viral video na inupload ng concerned netizen

Bus driver, sinapok ng isang bagitong pulis sa isang viral video na inupload ng concerned netizen

- Pinahinto ni PO1 Edmar Costo ang isang bus na umano'y naging dulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko kaninang tanghali

- 'Di umano'y sinubukang suhulan ng tsuper si Costo at agad naman nitong sinampal ang drayber, dahil sa 'di mapigilang inis.

- Agad namang nag-issue ng relief order si Chief Supt. Guillermo Eleazar habang nakabinbin ang imbestigasyon na maaaring humantong sa pagsasampa ng kasong administratibo laban sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatikim ng isang hagupit ng sapok ng isang pulis ang bus driver na pinangalanang si Joel Mametis sa kahabaan ng Rozas Blvd. sa lungsod ng Parañaque, bunsod ng pagiging sanhi ng bus ng mabagal na daloy ng trapiko.

Nalaman ng KAMI ang naging pagpuna sa asal ng pulis trapiko nang kausapin at i-relieve ito sa posisyon ni Chief Supt. Guillermo Eleazar kasama ni Southern Police District head Chief Supt. Tomas Apolinario na isa rin sa mga pumuna sa bagitong pulis.

Ayon kay Apolinario, nag-issue naman daw ng ticket si PO1 Costo ng violation ticket

"He said he was directing traffic control and cautioned the bus driven by the victim for causing traffic. He then went up to the bus to issue Traffic Citation Ticket to the victim."

"But the driver allegedly attempted to bribe the Police Officer and refused to hand over his driver’s license."

Ito na raw ang naging dahilan nang pananampal ng nasabing pulis sa drayber.

"He admitted to have slapped the face of victim due to his anger," lahad naman ni Eleazar sa media nang tanungin ito.

Kasalukuyan pa ring hinihingan ng pahayag si Mametis kaugnay ng pagsasampa nito ng kasong administratibo at kriminal (simple misconduct and criminal case of slight physical injury) laban kay Costo.

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

Today’s HumanMeter social experiment is to see how men react to a woman approaching them.Usually we are used to the traditional way of a man starting a conversation with a woman he is attracted to and hopefully getting her digits at the end. Is it always this way? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel