7 celebs na nabuntis sa gitna ng napakagandang showbiz career na gumulantang sa mga Pinoys

7 celebs na nabuntis sa gitna ng napakagandang showbiz career na gumulantang sa mga Pinoys

- Maraming mga celebrities ang nagpakasal muna bago nabuntis

- Meron din namang nabuntis bago pa man ikasal sa mga jowa at ang iba'y di na talaga nauwi sa kasalan

- May 7 celebs na nabuntis at ang kanilang pagdadalantao ay gumulat sa mga Pinoy

Ang magkaroon ng jowa o asawa na taga-showbiz ay hindi nakakabigla. Siyempre, pag palagi kayong nagkikita sa trabaho, di malayong magkakalapit ang mga loob ninyo.

Pero may mga artistang di nila sinasapubliko ang mga relasyon nila, at nang mabuntis ay talaga namangnagulat ang marami.

Ang iba sa mga celebs na ito ay sobrang ganda pa ng takbo ng mga career nang maging ina!

Andi Eigenmann

Sa edad na 21 years old, nabuntis na si Andi Eigenmann. Itinuro niyang si Albie Casiño (na todo tanggi naman), ang ama ng dinadala niya pero lumabas din ang katotohanang si Jake Ejercito pala ang ama.

Nathalie Hart

Kaka-announce pa lang na buntis si Nathalie nang apat na buwan. Pakakasalan daw niya ang kanyang Indian boyfriend bago matapos ang taon. Maaalalang sa StarStruck noon si Nathalie na mas kilala bilang Princess Snell.

Jennylyn Mercado

Maaalalang 2008 noon nang inannounce nila ni Patrick Garcia at Jennylyn Mercado na buntis si Jen. Ngayon malaki na ang batang si Alex Jazz at may sarili na ring pamilya si Patrick.

Angelu de Leon

Isa sa masasabing hottest young stars si Angelu de Leon noon. Nabigla rin ang marami nang lumabas ang balitang nagdadalantao na siya. Ngayon, 18 years old na ang bata at tanggap naman daw siya ng kanyang asawa ngayon na si Lorenzo Rivera.

Bettina Carlos

Isa rin si Bettina sa mga popular na aktres na nabuntis nang maaga. Marami ang nagtatanong kung sino ang lalaking nakabuntis sa kanya pero pinili niyang hindi pangalanan kung sino man ito.

Sarah Lahbati

Suwerte ni Sarah dahil si Richard Gutierrez ang ama ng anak niya. Bagamat nagsasama ang dalawa, at sabay na nag-aalaga kay Zion, marami pa rin ang nagtatanong kung kailan magaganap ang kasalan. Taong 2014 nung ibinunyag nila ni Richard na may anak na sila.

Dina Bonnevie

Magugulat siguro kayo pero 19 pa lamang si Dina nang mabuntis ni Vic Sotto. Si Dannica Sotto ang pinabuntis ni Dina noon.

Sila ang mga celebs na nabuntis bago pa man sila ikasal. So far, mukhang masaya naman sila sa mga buhay nila ngayon.

POPULAR: Read more about Andi Eigenmann, Jennylyn Mercado

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel