Bongga! Mavy at Cassy Legaspi, kabilang na sa mga pinakabagong Kapuso stars

Bongga! Mavy at Cassy Legaspi, kabilang na sa mga pinakabagong Kapuso stars

- Excited na sinamahan ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi sa katatapos lang na contract signing

- Ginanap ang nasabing pirmahan ng kasunduan sa GMA Network nitong hapon ng July 26

- Inilahad ni Carmina na masinsinan at mahabang diskusyon ang naganap sa pamilya na tumagal ng 2 taon bago nila payagang pumasok ang dalawa sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud na inihayag ng Kapuso network at mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na official Kapuso stars na ang kanilang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Nalaman ng KAMI na nitong hapon lamang ng July 26 naganap ang contract signing ng dalawa sa GMA Network kasama ang executives at si Zoren Legaspi.

Proud stage mom naman ang naging role ni Carmina Villarroel na hindi naitago ang saya habang kinukunan ng larawan ang mga anak.

Ayon sa proud mom, noong una ay nagkaroon ito ng pangamba sa pagpasok ng dalawa sa showbiz. Aniya, inabot daw ng dalawang taon ang diskusyon ukol dito.

"Ninenerbyos ako. Ganito pala yung feeling pag nasa behind the cameras tapos yung mga anak mo, sila lang ang nandoon. Of course, I’m happy and really really proud of them."

Ikinatakot naman ni Zoren na malaki ang posibilidad na mawalan na sila ng oras para sa isa't isa.

"Ako may lungkot. Kasi pag naging busy sila, busy ka, busy ako, hindi na tayo magkikita. 'Yun yung fear ko hindi tayo magkikita kita."

Ngunit nilinaw naman ni Carmina na maisisingit naman daw nila ang oras para sa family bonding nilang apat.

Today’s HumanMeter social experiment is to see how men react to a woman approaching them.Usually we are used to the traditional way of a man starting a conversation with a woman he is attracted to and hopefully getting her digits at the end. Is it always this way? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel