OFW, binahagi ang karanasan nang iwan daw siya ng amo niya sa Middle East sa gitna ng giyera

OFW, binahagi ang karanasan nang iwan daw siya ng amo niya sa Middle East sa gitna ng giyera

- Hahanga ka sa katatagan ng isang OFW na buong tapang na hinarap ang iba't ibang pangyayari sa buhay niya sa Middle East

- Bukod sa pagmamalupit ng amo, naranasan pa niya ang panahong may girian ang Israel at Lebanon

- Tiniis niya ang lahat ng paghihirap alang alang sa pamilyang umaasa sa kanya sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Madalas na tayong makarinig ng mga kwentong OFW na tila minalas sa kanilang mga amo. Ngunit ang OFW na si Liezel Cristobal, di lang pang-aabuso at pagmamaltrato ang naranasan.

Nalaman ng KAMI na di basta bastang trabaho ang inabot ni Liezel sa kanyang napakalupit na amo. Naranasan pa niyang maiwan sa bahay habang ang pamilya ng kanyang amo ay lumikas pansamantala sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon.

lahat ng iyon ay kinaya para sa pamilya niyang umaasa sa kanya sa Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Liezel na buong tapang niyang binahagi sa KAMI:

OFW from Turkey - Leizel Cristobal " Hard work first, before salary pay"

Mahirap buhay namin sa pinas kaya nung high school ako sabi ko kahit ito lang matapos ko para makapag abroad, natapos ako high school, nag kolehiyo ako dipa tapos ng first sem nag stop ako at may nakilala ako lalake nabuntis nya ako at naghanap ng iba, iniisip ko na ang kapakanan ng aking magiging anak kaya habang buntis ako punta parin ako ng bukid.. Para maka earn ng pera.. Nov 25 ipinanganak ko anak ko.. April 2005 nag aply na ako sa bansang lebanon sa tulong nang aking tita..5mons palang baby ko sabi ko kaya ko nman cguro mag linis o mag alaga nang bata dina ako umatras.. Sep 27.2005 nang nagpunta na ako sa bansang lebanon.. Sa una ok namn mga amo ko hanggang nag bago na ang ihip ng hangin o ugali ng mga amo ko sigaw utos na..

Tiniis ko matulog sa kusina late 12mid sleep 5am bangon..mag prepare ako ng breakfast, lalabas sa bahay 6am ayan na magwalis na ako sa baba ng building na parang janitor...

Babalik ako sa bahay saglit asikasuhin ko mga bata pagpasok Sa school buhatin mga bag 3 cla pagkasakay ng service, sabak nanaman.. Nasubukan ko din maglinis ng daanan ng dumi... Minsan diko na kaya pilit ko tumakas dumaan Ko sa bintana sa kusina pababa sa first floor second floor kami sa awa ng Diyos success naman humingi ako ng tulong pero walang tumulong sakin malayo ang embassy ng Lebanon sa kung san ako ng work..

OFW, binahagi ang karanasan niya nang iwan siya ng amo niya sa Middle East sa gitna ng giyera
source: supplied

Sabi ko sa sarili ko ikaw na bahala God kako.. At bigay mo tamang way.. Diko akalain BUMALIK ako sa taas pero di ako dumaan sa door, Umakyat ako sa rehas ng restaurants.. Tapus sinampal din ako ni boss sa kadHilanan namimilit ako na ibalik sa agency, Binalik ako nang dahil sa firstime ko san nanaman ako mapadpad..

Bumalik ako ni wala ako kakilala dun.. Kaya tiniis ko lahat para s Aking anak ayun nag simula ulit kalbaryo ng buhay ko 2year kong tiniis.. ung time nag kasakit na ng ulo ko ung snow sa labas inaalis ko para lang may daanan ang sasakyan ng uupa sa building.. Ung mag simento sa tapat ng building kasi butas butas, ung mag lalagay ng spalto sa taas ng BUILDING. Pahirapan bago magsahod no call pa no cp..

2006 andyan ung war ng Israel at Lebanon malayo kami pero may time na sumabog ang bomba.. Mga amo ko pumunta ng syra ako iniwN sa bahay no food , lock ang door , no cp.

Para Ako ewan natatanaw sa balkony para makahingi ng pagkain sa restaurant..

Something pa na may ipapagawa boss ko huhuhu…. kapangit ng ikwento eh...

May isang araw tag lamig pa nun pinapasok ako sa drum ng mga tubig para linisan talagang takot ako nun ginawa lahat hanggang sa loob ng drum pinaputol nya ako ng bakal buti nakapalag ako kung hinde putol paa ko..

Hard work first before salary pay

Ni kumakain sila ako naka separate tubig lang.. Narinig ko pa na aalis amo ko lalaki natuwa ako nun 1yr syang wala, bumalik ganun ulit work ko.. Bumalik ulit America.. Pag katapus nun sa guide ni God nakaabot ako sa kanila ng 4yrs

Tiis Lahat tiwala ky God.. Dahil sa inulit nnman nya ang bagay ng labag sa kalooban ko ng dahil sa nag pray ako.. Sabi ko parusahan kau ni God kako.. Nag kataon ng katotoo yun bago sila umalis papunta america lahat may kanya kanya silang sakit.. Pray ko lagi pinahirapn nyo ako ni centimo diman lang ako dinagdagan ng sahod..

Nasunog ang bahay nila ung kwarto andun ang alaga kong bata they let him hold kabrite or lighter.. Nilaro sa loob buti ung bata nakalabas dumaan sa balkonahe sa bintana..

Amoy sunog ang bahay.. Nilinis ko ulit bago sila umalis sabi ko kung masama lng akong tao my naiwang alahas kinuha ko na at tinago kasi wala ng nakakaalam kung sinu kumuha dahil ibat ibang tao pumasok sa bahay nila pero diko kinuha at binigay ko sa kanila. Nakaalis na sila naiwan ang important n gamit cnbi ko sa kapit bahay inihabol sa Airport

Dun ngtapus ang kalbaryo ng buhay ko s unang amo ko.. Buhay ofw mahirap na maganda.. Tiwala kay God ang pinaka dabest

Lumipat ako ibang amo matandang mag asawa walang naging prob.. Kaya umabot ako ng 6yrs sa lebanon ng walang uwian.. Kahit halos mamatay na o may namatay na akong relatives sa pinas diko nalalaman..

Umuwi ako sa pinas 2012 anak ko malaki na diko alam itsura at tawagin akong Ate... Tas second destination ko 2012 dito na sa turkey, thanks God tourist visa ako tnt ng 6 months bago ako ng karoon ng mabait maalalahanin na amo walang pakialam kahit cp hawak lagi basta tapus na work..

Ngaun nakatapus nanaman ako ng 5year sa kanila sa paglipat ko dito sa awa ng Diyos ok na lahat ang nakaraan hindi na masyado naalala, every year na ako umuuwi para mkita ko pamilya ko.. Kaya swerte swerte lng ang pag a abroad at manalig sa Diyos.. Sa 6yrs ko sa lebanon 7,500 sahod nun wala ako na invest.. Dito sa turkey 5yrs may konti nman naipon, may na invest na lupa patayuan ng pag alagaan ng baboy.

Thanks at mahimas masan nanaman loob ko sa pag share sa iba buhay ko.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica