Kevin Durant at C.J. McCollum nagpalitan ng maanghang na salita

Kevin Durant at C.J. McCollum nagpalitan ng maanghang na salita

- Tila ang mga NBA stars na sina Kevin Durant at C.J. McCollum ay nasangkot sa isang mainit na bangayan sa Twitter

- Balitang-balita nga ngayon na may alitan o awayan na nangyayari sa forward ng Golden State Warriors at ng guard ng Trail Blazers sa social media

- Ito daw ay nag-ugat sa diumano'y kumukulong podcast na banggaan kung saan tila ininsulto ni Durant si McCollum at ang huli ay parang dinamdam ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila ang isang panayam sa dalawang NBA stars na sina Kevin Durant at C.J. McCollum sa isang podcast noong nakaraang Linggo ay nauwi sa bangayan o palitan ng maaanghang na mga salita sa Twitter.

Ito nga ang nalaman namin na balita mula sa Yahoo.

Ayon sa ulat na nakuha ng KAMI, sumali daw ang small forward ng Golden State Warriors sa podcast ng shooting guard ng Portland Trail Blazers na si C.J. McCollum.

Dito raw ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng maging isang winner sa NBA na sinagot naman ni Durant na parang walang pakundangan ininsulto umano niya ang Western Conference rival, na si C.J. McCollum.

Ayon daw ni Durant kay McCollum:

"You know you guys aren’t going to win a championship."

Ang insulto ay tila tumagos sa ilalim ni McCollum dahil daw sa Twitter post na kanyang binitawan noong Miyerkules nang nagtanong ang Barstool's Big Cat kung ang paggamit ba daw ng "the b word" tungkol kay Durant ay tama.

Pagkatapos ng post na ito ni CJ McCollum at ilang mga netizens, 30 minutes later ay nagkomento pabalik si Kevin Durant at tinawag niyang ahas ang kapwa NBA player.

Hindi naman nagreply agad si McCollum pero si Durant ay sinagot pa ang bang mga tweets online gaya na lang sa babang tweet.

Ilang oras pagkatapos ay sumagot na din si McCollum.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel