Wag magtampo agad! Netizen, may paliwanag sa akala mo 'online' pa ang isang tao kahit 'offline' naman na ito

Wag magtampo agad! Netizen, may paliwanag sa akala mo 'online' pa ang isang tao kahit 'offline' naman na ito

- Viral ngayon ang post ng isang binatilyo kung saan di naman daw talaga lahat ng online ang status sa mga chat ay online pa rin talaga

- Ayon sa post,naka-off ang cellphone ng kapatid ng nag-post pero 'online' pa rin ang status nito sa messenger

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumarami na raw kasi ang away at nasisirang mga relasyon dahil sa di daw nagrereply ang isa kahit online naman daw ang status nito.

Pinagmumulan ito ng pagdududa na susundan ng away at kamalasan ay mauuwi pa sa hiwalayan.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nagpost ng tila ba isang simpleng eksperimento pagdating sa totoong status mo sa isang messenger app.

Ayon sa post ng netizen na si VMiguel Gonzales, natutulog ang kanyang kapatid at off daw ang screen ng cellphone nito. Nang tingnang niya, 'online' parin ang status ng kapatid niya gayung naka-off na ang cellphone niya.

Dagdag pa ni Miguel na marahil dahil sa naka-connect ito sa wifi o sa data, lalabas at lalabas na online ka pa rin kahit pa di ka na gumagamit ng cellphone o natutulog ka pa.

Kaya naman daw, wag daw agad magtatampo ang mga kausap na inaakala na 'online' pa rin ang mga kausap nila. Marahil daw ay nakatulugan na nito na naka-on pa ang data at naka-connect pa ito sa wifi.

Samantala, umani ang post na ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tag niyo jowa niyo para maka iwas sa tampohan o away."

"True nmn. Kya pg sleep time i turn off ang data o wifi pra di magduda si gf/bf"

"jusko nman as long na naka connect ka sa wifi o data. kht nka off screen payan tlang online ka lalo na pag naka connect sa wifi! duh. asawa konga tulog na tulog sa tabi ko pero nka online e."

" Hindi din. Khit naka open ung wifi or data mo. Once na naka off ung screen mo. Hndi kna mag green button nun. At automatic na gagana na ung 5mins ago or 20 mins ago. Or basta un. Pero once na chinat mo sya. Mpapansin mo ung chat mo mag iitim ung check niya or ung send mo. It means naka open wifi nya. Pero once na nag white ung check or send mo. It means naka off ung wifi."

"Baka po ung sa case na natutulog na yan is hindi po nya naisara/exit ung messenger nya or Fb nya. Nahayaan po nyang naka.open hangang mg.off ung screen nya"

Umabot na sa 62,000 reactions ang post na ito, 30,000 na comments at 49,000 shares.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children.Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica