College Student na mahilig magpatuyo ng pawis, nauwi sa malubhang sakit

College Student na mahilig magpatuyo ng pawis, nauwi sa malubhang sakit

- Isang babae na college student ang nagulat sa sinapit ng inakala niyang simpleng sakit

- Aminado siya na naging pabaya siya sa kanyang sarili mula pa noong siya'y Elementary kaya naman ngayong kolehiyo na siya, nauwi na sa seryosong karamdaman

- Puro tubig na raw ang baga ng babae kaya naman binahagi niya ang proseso ng pinagdaanan niya sa gamutan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan, wala talagang masama na maniwala sa mga sabi sabi ng matatanda lalo na pagdating sa pag-iingat ng ating pangangatawan.

Marahil narinig niyo na minsan na pinagbawalan kayong tumapat sa electric fan dahil basang basa ang inyong mga likod. O minsan na kayong nasita ng magulang niyo na tuyuin mabuti ang buhok para di mabasa ang inyong likuran kung mahaba ito.

Ilan lamang ito sa minsan na nating isinawalang bahala ngunit di natin alam na may seryosong karamdaman palang naghihintay sa mga pabaya at di naniniwala sa mga inaakalang kasabihan lamang na nabanggit.

Gaya na lamang ng kwento ng isang babae na estudyante sa kolehiyo kung saan di niya alam na may tubig na pala ang kanyang baga na kinakailangan nang i-drain. Humantong na sa puntong kinabitan na siya ng tubo dahil puno na talaga ng tubig ang kanang baga nito.

College Student na mahilig magpatuyo ng pawis, nauwi sa malubhang sakit
source: supplied

Narito ang kabuuan ng kanyang salaysay na nalaman ng KAMI:

MAHABA TO! (SING HABA NG TUBO NA NAKAKABIT SA KATAWAN KO)

At first, ang akala ko at ng pamilya ko asthma at lagnat dahil sa pilay ang iniinda kong sakit. May times na paggising ko kumikirot dibdib ko pero di ko pinansin, nung una simpleng lagnat lang kaya nag self medication ako. Pagbalik ko ng Nueva Ecija galing San Carlos at ng makarating ako ng school, isang linggo akong nilagnat ng pabalik pabalik at dito ko na naramdaman ang hirap sa paghinga, pakiramdam ko nalulunod ako tuwing nakahiga at nararamdaman kong parang may tubig na nag gagargle sa lalamunan ko, pagsakit ng likod at mainit buong katawan ko. Hanggang sa napag desisyonan kong umuwi para magpahilot ng likod, gumaan naman pakiramdam ko after hilutin pero kinabukasan bumalik ule yung sakit ng likod ko at hirap parin ako huminga, ilang araw ko nanaman ininda ang sakit, lagi akong kinukulit ng boyfriend ko na magpa check-up na at baka iba na daw sakit ko hanggang sa kinausap ko na ang Mommy ko para magpa check-up. Busy ang Mommy kaya si jowa ang kasama ko sa check-up. "Wala akong marinig dito sa kanang baga mo", yan bungad sakin nung Dr. kaya ni refer niya akong magpa X-ray para makita kung ano daw meron sa kanang baga ko. Pumunta kami ni jowa sa isang private hospital para magpa X-ray, nung lumabas na yung plaka ng X-ray lahat ng nurse na nandun pinagtitinginan ako, yung tingin na may awa at lungkot kaya natatakot na ako pero pinapatatag nung boyfriend ko loob ko. Then suddenly may lalaking tinignan yung result ng x-ray ko, "asaan parents mo?", "kelangan mo ng magpa admit", "lalagyan ka ng tubo para maalis yang naipon na tubig sa baga mo", "wala na sa kalahati ang natira sa kanang baga mo lahat tubig na". Doon ko narealized na kahit wala pang explanation ng Dr. eh may tubig ang kanang baga ko at nung nakita ko yung x-ray ko doon ko nakita ko yung white shaded part na sinakop ng kanang baga ko, e tubig pala. Tinawagan ko mommy ko at inexplain sakanya lahat, nung una nagtatalo pa kami then pinapunta ko siya dun sa hospital at yung lalaki pala na nag explain sakin ng kondisyon ko e pinsan niya. Nung gabing yun in-admit ako sa hospital, nagsagawa ng ultrasound at napag desisyonang kinabukasan nalang gagawin yung "ctt" di ko alam yung medical term pero yan yung naririnig ko.

1st day

Dinala ako operating room, maiiyak iyak pa ako kasi first time ko at may trauma talaga ako sa hospital yung feeling na pagtapak ko palang e nanginginig na ako. Then, binigyan ng anesthesia at nakatulog. Paggising ko naramdaman kong may parang nakasaksak sakin sa tagiliran ng lower chest at yun pala yung tubo. Kwento sakin nung Dr. mahigit isang litro na daw ng tubig ang naalis sa baga ko pero meron paring natira.

2nd day

X-ray ule, pinuntahan kami ng Dr. at ang sabi naalis yung tubig pero may hangin, so may pinagawa silang blow bottle exercise para maalis yung hangin na hanggang ngayon ginagawa ko parin.

3rd day

Inadjust yung tubo para makuha yung ibang natitirang tubig

4th day

X-ray ule at walang nakitang pagbabago kaya stay muna sa hospital. Dito ginawa yung CT SCAN.

5th day

College Student na mahilig magpatuyo ng pawis, nauwi sa malubhang sakit
source: supplied

So nag-antay kami ng isang buong-araw para basahin yung CT SCAN ko. Ni refer ako sa isang Dr. (specialist ng baga) hindi ko alam tawag sakanila pero yun na yun. Sa kasamaang palad nasa convention yung Dr. at sunday or monday pa niya ako mapupuntahan so nag-antay kami.

Dito na tayo 7th day kasi wala namang masyadong ganap nung 6th day. Dumating yung Dr. na nirefer sakin, medyo lutang pa ako nun kasi kakagising ko lang pero eto naintindihan ko, "may mga tumigas na tubig dahil na rin sa tagal", "uuwi siyang may tubo", "mag memedication for two weeks ioobserve natin at pag walang pagbabago ooperahan natin baga niya para tanggalin yung mga nakabalot na tumigas na tubig", "hindi ko sinisigurado na pag inoperahan ko siya e babalik sa dati ang right lung niya kasi kung di na talaga mag-expand wala na akong magagawa". KATAKOT! DI KO MAPIGILANG UMIYAK AT MAG-ISIP NG KUNG ANO-ANO.

AT NETO LANG NI REPOSITION YUNG TUBO AT LUMABAS AKO NG HOSPITAL NA MAY NAKA KABIT NA TUBO...

CAUSE:

Sabi ng Dr. matagal na daw to na nandito sadyang malakas lang daw resistensya ko kaya hindi ko iniinda, natutuyuan ng pawis, napapabayaan na pawis ang likod, others say, yung buhok na mahahaba na hindi masyadong napupunasan at natutuyuan sa likod. Pwede rin daw dahil sa pag skip ng breakfast, lunch or dinner, laging puyat kaya bumaba ang resistensya kaya napasukan ng tubig.

EXPOSED DIN KASI AKO SA IBA'T-IBANG SCHOOL ACTIVITIES SIMULA NUNG ELEM. SUMASAYAW AKO, NAGLALARO NG VOLLEYBALL, HANGGANG MAKARATING NG HIGH SCHOOL AT AAMININ KO NAGPABAYA AKO, MINSAN NAKAKALIMUTAN KONG MAGPALIT NG DAMIT AFTER PRACTICE KAYA MAGHAPON NA NATUYO SA LIKOD KO, GAWAIN KO RIN YUNG TUTUTOK SA ELECTRIC FAN PAG PAWIS PAWIS HANGGANG SA MATUYO WHICH IS MALI AT MINSAN SA KAKAMADALI SA PAGPASOK DI KO NA NAPUPUNASAN BUHOK KONG BASA KAYA BASA LIKOD NG UNIFORM KO. AT NETONG COLLEGE DITO KO NARANASAN ANG MAG SKIP NG BREAKFAST, MINSAN PATI LUNCH PA KAYA IBABAWI KO NA LANG SA DINNER, LAGI RIN AKONG PUYAT PINAKA MAAGA KONG TULOG ALA UNA NG MADALING ARAW, MINSAN MAS PINIPILI KO NGANG MATULOG KESA KUMAIN NG ALMUSAL NA DAHILAN SIGURO NG PAGBABA NG RESISTENSIYA KO KAYA NANGYARI SAKIN TO. PATI PAGHIGA SA SAHIG NG WALA MAN LANG BANIG NALALAMIGAN ANG LIKOD, MASAMA HO IYON.

HOPING AND PRAYING NA SANA AFTER TWO WEEKS OF MEDICATION MAY MAG IMPROVE NA BAGA KO PARA HINDI NA AKO OPERAHAN ULE.

KAYA IKAW! ALAGAAN MO SARILI MO LALO NA ANG KATAWAN MO AT ANG LIKOD MO! WAG MONG ABUSUHIN, A FRIENDLY REMINDER.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica