Atlanta Hawks pinapirma ang pinakamatandang free agent basketball player ng NBA

Atlanta Hawks pinapirma ang pinakamatandang free agent basketball player ng NBA

- Ang pinakamatandang basketbolista at free-agent forward player sa NBA na si Vince Carter ay pinapirma ng kontrata ng Atlanta Hawks

- Sumang-ayon ang 41-year-old na basketball player sa isang taon na kontata, $2.4 million deal, ayon sa sinabi ng sources sa ESPN

- Mag-uumpisa na si Carter sa kanyang 21st season ng kanyang NBA career at sa loob nito ay nagkaroon ng 24, 868 puntos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng ESPN, si Travis Schlenk, ang Atlanta general manager na malaking impluwensiya sa pagtaguyod sa bata at roster na si Vince Carter.

Pinili ng Atlanta ang tatlong manlalaro, kabilang ang guard na si Trae Young, sa first-round ng 2018 NBA draft, at 2017 first-round pick na si John Collins ay isa ring mahalagang bahagi ng hinaharap ng franchise, ayon sa nalaman ng KAMI sa nasabing ulat.

Si Carter ay na draft noong Hunyo 24, 1998, halos tatlong buwan bago ipinanganak si Young - noong Setyembre 19, 1998.

Ang 8-time na All-Star player, ay sasali sa kanyang ikawalong koponan ng NBA.

Nag-average siya ng 5.4 puntos para sa Sacramento Kings sa isang limitadong papel noong nakaraang season.

Ang Hawks ay sumang-ayon din sa isang isang taon, guaranteed deal sa forward na si Daniel Hamilton, na nagkaroon ng 2-way na kontrata sa Oklahoma City Thunder noong nakaraang season.

Noong 2016, ang 22 years old na si Hamilton ay naging second-round pick ng Denver Nuggets out of UConn.

Sa kabilang bahagi, tila marami din namang tagasubaysubay kay Vince Carter ang naging masaya sa balitang ito.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel