Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ikakasal na bago magtapos ang 2018

Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ikakasal na bago magtapos ang 2018

- Inamin ni Kylie Padilla na ikakasal sila ni Aljur Abrenica bago matapos ang taong ito

- Alam na raw nila ang saktong date at headcount ng bisita sa kasal

- Dagdag pa niya, simpleng kasal lang daw ang plano nila ni Aljur

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming tao ang excited na sa kasal nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica, simula ng hiningi ng Kapamilya actor ang kamay ni Kylie sa ama nito na si Robin Padilla.

Nalaman ng KAMI na siguradong ngayong 2018 magaganap ang kasal.

Sa interview ni Kylie sa PEP.ph, sinabiniyang magpapakasal na sila ni Aljur bago pa matapos ang taong ito.

Ayon pa sa Kapuso actress, alam na nila ang saktong date ng kasal pati ang headcount o dami ng bisita sa nasabing event.

Dagdag pa niya, gusto nilang simple lang ang kasal dahil mas mahalaga sa kanila ang relasyon nilang dalawa, ang relasyon nila sa kanilang anak na si Alas, at sa kani-kaniyang pamilya.

"Kailangang ayusin yung relasyon. Actually, yung pagpapakasal namin is for family, para rin kay Alas, buo kami. Basta maayos kami," paliwanag ni Kylie.

Nireport kamakailan ng KAMI na sinabi ni Kylie na gumanda ang kaniyang ugali simula ng nagka-anak siya.

Ang anak nina Aljur at Kylie na si Alas Joaquin, ay ipinanganak noong August 4, 2017.

Nagsimula mag-date ang dalawa noong 2011, pero naghiwalay sila ng 2014. Nagkabalikan naman sila noong September 2016 at na-engage noong January 2017.

POPULAR: Read more news about Kylie Padilla!

Today’s HumanMeter social experiment is to see how men react to a woman approaching them.Usually we are used to the traditional way of a man starting a conversation with a woman he is attracted to and hopefully getting her digits at the end. Is it always this way? – on KAMI HumanMeter YouTube channel?

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel