Karma?! Marami pang mga world-class brands ang nagsalita at binagsak ang Kuwaiti star

Karma?! Marami pang mga world-class brands ang nagsalita at binagsak ang Kuwaiti star

- Tila nasa huli talaga ang pagsisisi, at parang ito na nga ang nangyari sa nagtrending na Kuwaiti star na si Sondos Alqattan

- Una naming binalita dito ang pagdumog ng batikos sa social media celebrity na si Alqattan ito ay dahil sa isang video niya na nagviral dahil sa opinyon niya tungkol sa mga OFWs

- Subalit, sa kabila ng mga batikos ay pinanindigan pa rin ng personalidad ang kanyang mga sinabi, at dito na rin nag-umpisa na magsalita at pagbitiw sa kanya ng mga sikat na brands

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagong laman ng balita ngayon na galing sa Facebook page ng CNN Philippines ay tila mas marami pang mga sikat na world-class cosmetics/make-up brands ang nagsalita na sa pagkadismaya sa Kuwaiti star na si Sondos Alqattan.

Dahil dito ay binagsak siya nitong mga kilalang brands na sponsors niya pagkatapos ng kanyang napaka kontrobersyal na pahayag tungkol sa bagong batas na nagproprotekta sa ating mga domestic helpers sa bansang Kuwait.

Una ng bumitiw kay Aqattan ay ang Max Factor Arabia, Chelsea Beautique London, at M. Micallef Parfums.

Ngayon, napag-alaman ng KAMI na may dumagdag sa listahan at ito ay ang Etude House at Phyto USA.

Sinabi ng mga huge make-up brands na ito na pinuputol na nila ang kahit na anong kaugnayan sa sikat na Kuwaiti makeup vlogger/social media influencer na ito.

Kahit tikom ang bibig ng Etude House Middle East sa isyung ito ay minabuti ng Etude House Philippines na magsalita tungkol sa hindi kanaisnais na pahayag ni Alqattan.

Pero sa pagdidiin ng world-class brand na ito na ang kanyang mga personal na komento ay hindi nagrereflect sa Etude House Philippines at lalong lalo na sa "Etude House Global's beliefs."

Ang Phyto USA naman ay mariin na naninindigan na hindi nila tinotolerate ang kahit anong uri ng "racism and abuse."

Kaya naman nagulat at nanlumo sila sa mga "cruel comments" ni Sondos Alqattan, at sa pagpapakita ng kanilang paninindigan ay tinag pa ang Kuwaiti star sa kanilang post.

Agad agad daw nila tinawagan ang kanilang local distributor sa Kuwait para itigil "effective immediately" ang kahit anong kaugnayan meron sila kay Alqattan.

Ang Max Factor Arabia naman ay una ng nagpahayag sa hindi kanaisnais na pahayag ni Alqattan pero kahapon lamang ay nagpost sila ng isang opisyal na statement tungkol dito sa kanilang IG page.

Binalita namin kamakailan lang ang video ni Sondos Alqattan na nagpahayag ng hindi kanaisnais na mga opinyon tungkol sa bagong batas na nagproportekta ng mga Pinoy domestic helpers.

Dahil dito rin ay pinahawatig na isang "undesirable employer" siya ng ating mga OFW.

Maraming mga netizens ang nagbatikos sa kanya pati na rin ang kapatid sa paniniwala niya na si Abu Dhabi artist Khalid Al Ameri.

Gayunpaman, naninindigan ang Kuwaiti celebrity sa kanyang sinabi at hindi daw magsosorry.

Ngunit, ang naturang video niya ay deleted na ngayon pero huli na ang lahat dahil nanatili pa rin ito sa ibang mga social media sites.

Sino pa kayang ibang giant make-up brands na affiliated sa kanya ang magsasaalita at bibitawan siya

Learn the best way to look good while you’re in the gym with our makeup for gym experts below.

Check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel