Aray ko po! Julius Babao, sumemplang sa upuan habang nakikipaglaro sa anak

Aray ko po! Julius Babao, sumemplang sa upuan habang nakikipaglaro sa anak

- Matapos turuan ang anak, sinubukan din ng news anchor na si Julius Babao na gamitin ang spun chair ngunit nahulog siya sa sahig

- Sinubukan muli ng reporter na magpaikot-ikot gamit ang upuan ngunit bumagsak uli ito

- Hindi napigilan ng kaniyang asawa, anak, kapwa reporter, at netizens na tumawa at mag react sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakaligtas sa tawanan ang TV anchor na si Julius Babao matapos itong mahulog at sumadsad sa sahig habang sinusubukang gamitin ang spun chair.

Nangyari ang nakakatuwang insidente hindi lamang isa kundi dalawang beses matapos subukan muli ni Julius na umupo habang pinapaikot ang nasabing kagamitan.

Sa video na kuha ng kaniyang asawa na si Christine Bersola-Babao, maririnig si Julius na tila nagbibigay ng payo kung paano maging balanse habang nakasakay sa upuan.

“Huwag masyadong wild,” sabi pa ng TV reporter.

Sinabihan rin siya ng kaniyang maybahay na hindi pwedeng ibaling ang kaniyang bigat sa direksyon ng pag ikot.

Matapos bumalentong ng isang beses, isinigaw ni Julius na “fight” lang at muling sumampa sa upuan. Ngunit hindi pa ito nakakaikot nang matagal ay bumagsak na naman sa sahig ang broadcast journalist.

Bago nito, tinulungan niya muna ang kaniyang anak na si Antonia sa pag gamit ng spun chair. Maririnig din na panay ang payo ng brodkaster sa anak upang makaikot ito nang maayos.

Narito ang nakakatawang video ng newscaster:

Nalaman ng KAMI na umani ng reaksyon sa social media ang videong ito ni Julius.

“Nakakahawa po yung tawa nyo... lakas makapagpa-good vibes..hehehe” ayon sa isang netizen.

Maging ang kapwa TV anchor na si Karen Davila ay hindi napigilan ang sarili sa pag komento sa video.

“Soooo much FUN @juliusbabao,” pahayag ni Karen.

Kilala si Julius bilang brodkaster sa TV News program na Bandila. Naging anchor din siya sa TV Patrol simula 2003 hanggang 2010.

Noong nakaraang taon, naibalita ang pagdiriwang ng reporter ng ika-50 kaarawan nito sa Oakwood Hotel kasama ang kaniyang asawa na si Christine at dalawang anak na si Antonia at Antonio.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? - on HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel