Pinoy celebs ibinahagi ang kani-kanilang mga pinapangarap na grandiosong bahay

Pinoy celebs ibinahagi ang kani-kanilang mga pinapangarap na grandiosong bahay

- Tulad ng karamihan sa atin, ang mga kilalang tao tulad ng mga artista ay nagsisikap na magbigay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya

- Iyon ang dahilan kung bakit sa sandaling nakakuha sila ng sapat na pera upang makakuha ng ari-arian, secure nila ang isang bagong tahanan

- Pagkatapos, ang mga posibilidad ng kanilang mga susunod na pamumuhunan ay walang hanggan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngunit kahit na sa kanilang sariling mga tahanan na binuo at nakuha, ang mga kilalang tao ay nagnanais na manirahan sa kanilang mga pangarap na mga tahanan sa isang araw.

Narito ang mga ilang sikat na artista sa Philippine showbiz na nagbahagi ng kanilang mga grandiosong dream house na una naming naispatan sa PEP.

Ang KAMI ay naniniwala na lahat ng pangarap ay maabot pag may sipag, tiyaga, at determinasyon kaya naman binabahagi namin ito sa aming mga readers para magbigay ng inspirasyon.

Piolo Pascual

Maraming properties na din daw si Piolo Pascual dito sa Pinas at sa Amerika, at ito nga ay ibinahagi ng Ultimate Leading Man noong 2012 sa June edition ng Yes! magazine.

Nang tinanong siya tungkol sa kanyang dream home, ang sagot naman ng aktor ay gusto daw niya talaga ang Mediterranean dahil sa inspirasyon na nakuha niya sa pagbisita sa Greece kasama ang mommy niya.

Gusto nya daw ang "sprawling na semento" na Greek na Mediterranean dahil blue and white lang daw ang kulay, at gusto daw niya ang terracotta.

Dagdag pa ng aktor:

"My base is white. And then, tiles ko, off-white, and then iyong furniture mo na lang iyong may accent, kumbaga."

Higit sa lahat ang dream home na gusto niya ay yung minimalist na may Zen feel at may deck.

Julia Barretto

Unang binahagi ng Kapamilya aktres na si Julia Barretto ang kanyang plano na makapagpapatayo ng kanyang dream home sa kanyang Instagram account.

At buong puso naman itong nagpapasalamat sa panginoon dahil sa nasagot na dasal, at ito na nga ay ang kanyang dream home.

Noong May ngayong taon, 2018, ay binahagi na naman ng 'I Love You, Hater' star ang development ng kanyang pinapangarap na grandiosong bahay kung saan makikita siya sa loob na nakaupo sa pinapatayong bahay.

Pero mas excited siya sa kanyang walk-in closet.

Alden Richards

Mayroon ng "dream family home" si Alden Richards pero hindi daw ito ang kanyang "dream house."

Hindi naman daw nangisang mansyon ang gusto ng Victor Magtanggol actor.

Ang gusto daw niya ang "ultimate man cave," kung saan niya pwede malagay ang kanyang koleksyon ng comic book superheroes in full display sa loob ng "underground glass chamber" o at least, man lang daw kagaya ng lab ni Tony Stark sa Marvel films na Iron Man.

Maine Mendoza

Ang gusto naman ng isang pares ng AlDub na si Maine Mendoza ay isang mansyon

Simula pa noon daw ay gusto na ng Eat Bulaga Dabarkad ang isang 2-story mansion.

Isiniwalat nga niya sa isang panayam sa Yes! Magazine noong February 2018 issue nito na lobby pa lang daw ng dream home niya ay pasabog na.

Ani niya:

“Gusto ko talaga ng malaking bahay—modern po. May pool, merong movie room, merong garden.”

Gusto niya ang kanyang mansyon nasa ibabaw ng bundok, overlooking sa city.

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza here

Gerald Anderson

Dahil kay Gerald Anderson ay hashtag ball is life, gusto niya ng isang malaking mansyon at lupa kung saan mayroong indoor at outdoor basketball court.

Ibinahagi naman niya ito sa kanyang Instagram account.

Ano ang dream home ninyo?

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel