Ibang klase magdisiplina! Melai Cantiveros, gumagamit ng color coded hangers para sa anak na si Mela

Ibang klase magdisiplina! Melai Cantiveros, gumagamit ng color coded hangers para sa anak na si Mela

- Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang sarili pagdating sa pagiging isang ina sa kanyang anak

- Ayon sa kanya, isa siyang "chill" na magulang ngunit may hangganan naman daw iyon

- Sa katunayan, namamalo siya gamit ang hanger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Melai Cantiveros, isa siyang "chill" na nanay ngunit may hangganan naman daw ito.

"Pero kapag nasobrahan na, talagang papunta sa strict-strict."

Pagbabahagi pa ng aktres, gumagamit siya ng hanger ng damit upang disiplinahina ng kanyang panganay na si Mela.

"Hindi naman ako proud na hina-hanger ko ang anak ko, pero hindi naman ako nagka-kamay, hanger lang talaga.

May color coding pa umano siya upang alam ng anak niya ang pagkakaiba ng antas ng kanyang nagawang kaslanan. Ginagawa niya umano ito upang mabigyan ng babala ang anak kapag hindi maayos ang kanyang inaasal.

"Yung hanger na yun, color-coded. Pag pink pa, medyo hindi pa galit pero pag black na, yun na talaga yung storm signal number 10."

'Ano, Mela, gusto mo pink color?"

Ipinaliwanag niya rin kung paano naging mabisa ang kanyang paraan ng pagdidisiplina.

"Napalo na siya ng mga color-coded na yun kaya alam niya kung ano yung pinakamasakit doon, kaya siya nakikinig, kaya siya mabilis kausap.

"Kasi kapag dinidisiplina ko siya, hindi yung salita lang ako.

Ipinapaliwanang niya din umano sa anak ang mali at tama.

"Gusto ko yung salita ko, 'Look at me, eye to eye. And then, i-explain ko, 'Ano yung sinabi ko sa iyo?' Pinapabalik ko sa kanya, bawal ang ganito, para alam kong naintindihan niya."

Ayon pa kay Melai, naimpluwensiyahan siya ng pagdidisiplina ng kanyang ina.

"Minana kong ugali sa mama ko, yung pagiging open sa mga anak ko kung ano yung totoo, ano yung normal, at saka yung pagiging honest na, 'Anak, ganito talaga ang mundo.'

"Sinasama ko sila sa mga daily life kasi ako, nasama ako [ng mama ko] sa daily life, e, kung paano yung ganito, paano ganyan.

"So alam ko kung paano yung pagiging open sa mundo. Alam ko kung paano mag-accept ng mga bagay sa mabilis na paraan.

"Yun ang gusto kong matutunan ng mga anak ko, para in case, hindi mo alam kung hanggang kailan ka sa mundong ito, alam mong handa siya at nasa right track siya ng buhay niya.

"Kung ano man mangyari din sa kanya, maayos."

Ano naman ang gusto niyang maachieve?

"Ang wish ko na lang, ma-maintain yung tinuturo ko, lumaki si Mela na ma-maintain yung good values na tinuturo ko.

"Yung values kasi na iyan, hindi kasi tinuro mo ng four years old, nadadala na niya, hindi.

"Kailangan mong ituro nang endless iyan hanggang tumanda para madala niya hanggang sa magiging anak niya, sa magiging apo niya.

Hindi din daw siya humihiling ng kahit na anong materyal na bagay.

"Yun lang ang hinihiling ko, hindi ako maghiling ng kahit na anong bagay na material kasi siya ang magpo-form noon sa sarili niya, hindi naman ako.

Nais niya umanong madala ng anak niya ang values na kanyang itinuro.

"So ang wish ko lang, madala niya yung mga values na naturo ko."

Si Melai ay mula sa Pinoy Big Brother kung saan tinanghal siyang big winner. Sa loob ng bahay, nakilala ni Melai ang kanyang naging asawa na si Jayson Francisco. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Mela na apat na taong gulang at si Stela na 1 taong gulang.

Sa isang ulat ng KAMI, ipinakita ng mag-asawa ang kanilang bahay sa probinsiya.

POPULAR: Read more about Melai Cantiveros here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapuso actress Shaira Diaz wows netizens with her beach photos

Kapuso actress Shaira Diaz wows netizens with her beach photos

Kapuso actress Shaira Diaz wows netizens with her beach photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel