Fernando Poe Jr, nagparamdam umano kay Sen. Grace Poe isang araw bago mahalal bilang Speaker of the House si GMA

Fernando Poe Jr, nagparamdam umano kay Sen. Grace Poe isang araw bago mahalal bilang Speaker of the House si GMA

- Nagparamdam na daw ang ama ni Sentaor Grace Poe isang araw bago maluklok bilang Speker of the House si Gloria Macapagal Arroyo

- Nang matanong siya tungkol sa reaksiyon ng kanyang inang si Susan Roces sa pagkahalal kay GMA, hindi niya ito sinagot

- Ayon pa kay Poe, sa kanyang pagkakaintindi, tila nagbibigay ng babala ang kanyang yumaong ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Senator Grace Poe, tila nagbigay ng babala ang kanyang yumaong amang si Fernando Poe Jr isang araw bago mangyari ang pagkahalal kay dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Naitanong sa senadora kung ano ang reaksiyon ng kanyang inang si Susan Roses sa nangyari ngunit tumanggi siyang sagutin ito.

“Huwag na lang tayong pumunta d’yan, ibang bagay ‘yun napakapersonal,” sagot niya habang tila pigil ang emosyon.

“Basta hindi ko nga maintindihan, nagparamdam ang tatay ko sa akin,” dagdag niya bggo tuluyan nang umalis.

Sa isang panayam ay ibinunyag ng senadora na may nagbigay umano sa kanya ng framed statement ng mga artistang sumoporta sa presidential bid ng kanyang ama.

“Nag-text na sinabi na ‘may nakita akong frame na article ng daddy mo’, sabi ko siguro si Direk ang nagpa-frame niyan. Ang sabi ‘oo nga nakita namin sa gamit niya, dadalhin ko bukas dahil may dinner naman’,” pagsasalaysay niya.

“Sa lahat ng araw, imagine-in mo ilang taon na ito, dinala niya ‘yung frame parang statement of support ng iba’t ibang artista na lumabas sa dyaryo, binigay niya the eve ng SONA, bago itong lumabas itong si GMA (Arroyo’s initials),” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Poe, hindi niya maarok kung ano ang ibig sabihin niyon ngunit napagtanto niya na gustong magbigay ng babala ng kanyang ama.

“Sabi ko anong sign ito na parang… I know my dad would not have wanted it for himself… just be vigilant, hindi pa tapos, balik na naman tayo,” saad pa niya.

“Dati wala naman ako diyan sa session hall, andun kami sa labas nagra-rally e. So I was looking sa mga nag-rally with nostalgia ... mukhang babalik na naman tayo diyan,” paglalahad niya.

Matatandaang natalo sa halalan ang kanyang namayapang amang si Fernando Poe Jr kay Arroyo noong 2014 presidential elections. Nagsampa ng protesta sa Presidential Electoral Tribunal si FPJ ngunit pumanaw noong Dec. 14, 2004. Ipinagpatuloy ni Susan Roces ang protesta ngunit binasura ito ng PET noong March 2005.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate