Bubuhos pa ang ulan, bagong low-pressure area naispatan sa may silangan ng bansa

Bubuhos pa ang ulan, bagong low-pressure area naispatan sa may silangan ng bansa

- Tila hindi pa hihinto ang pag-ulan dahil may bagong low-pressure area na namataan sa may silangang bahagi ng bansa

- Ayon pa sa balita, ang nasabing LPA ay posible pang bubuo ng isa pang bagyo sa loob ng 24 to 48 hours

- At pag ito ay bubuo ng isang bagyo, ito daw ay papangalanan na 'Karding.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ang balita na una naming nasagap sa Manila Bulletin.

Isang low-pressure area (LPA) nga ang naispatan na nasa silangang bahagi ng bansa, at ito raw ay posibleng bubuo ng isa pang bagyo sa loob ng dalawampu't apat hanggang apatnapu't walong oras o "within 24 to 48 hours."

Pag naging bagyo ito, ito ay pangangalanan umano na Karding, at ito ay magiging ikalimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong buwan ng Hulyo, ayon sa ulat na nakuha ng KAMI sa aming news source.

Ayon pa kay weather specialist Aldczar Aurelio ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa pag-alis ni bagyong Josie sa area of responsibility ng bansa noong Lunes ng umaga, tila may bagong low-pressure area ang namataan ng weather bureau sa 1,495 km silangan ng Southern Luzon.

Ito raw ay inaasahan na papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility sa loob ng Lunes o Martes, July 23 o 24.

Ang nasabing LPA nga ay malamang mabubuo sa tropical depression sa loob ng bente kwatro hangang 48 hours, ayon kay Aurelio.

Dugtong pa ng weather specialist na ang nasabing weather disturbance ay namataan na kumikilos pahilaga at maaring hindi babagsak sa lupa.

Pero palalakasin nito ang habagat na magdadala ng ulan sa mga bahagi ng western parts ng Luzon at Visayas sa susunod na mga araw.

Ang ibang mga bagyo na pumasok kamakailan lang sa bansa katulad ng bagyong Gardo, Henry, Inday, at Josie ay binaha ang ilang bahagi ng Luzon at Visaysa sa nakaraang mga Linggo.

Ito ay dahil sa pinalakas na epekto ng southwest monsoon o habagat.

Ang bagyong Josie ay umalis na sa area of responsibility ng bansa mga alas siyete ng umaga ng Lunes, July 23, 2018, ayon pa kay weather specialist Aldczar Aurelio ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Subalit, ito ay patuloy na magbubunga pa rin ng pag-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.

Dagdag pa sa balita, ang bagyong Jose ay tinatayang nasa 585 kilometro north-northeast ng Basco, Batanes noong Lunes ng umaga.

Gayunpaman, magpapatuloy daw ang habagat na magdadala ng kalat na malawak na pag-ulan sa bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, at Iloilo.

Samantala, paminsan-minsan may pag-ulan din na mangyayari sa Metro Manila, at sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang Mindanao naman ay magkakaroon ng partly cloudy to cloudy skies na may kasamang ilang ulan dahil sa naisalokal na mga pagkulog.

Kaya pinapaalahanan ni weather specialist Aurelio ang publiko, lalo na sa mga residente na malapit sa ilog at sa mga mababa at bukiring bahagi na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Ito naman ang huling anunsyo ng PAGASA sa kanilang opisyal Twitter page:

How would you react if you hear someone farted or talking about funny stuff while on the phone? Watch the video below and get amused by how people reacted to our social experiment!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel