Abu Dhabi artist may bwelta sa Kuwaiti celebrity na nagviral ngayon

Abu Dhabi artist may bwelta sa Kuwaiti celebrity na nagviral ngayon

- Isang kapatid sa paniniwala ang bumwelta sa nagtrending ngayon na Kuwaiti social media celebrity na si Sondos Alqattan

- Pagkatapos siya batikosin ng mga netizens sa online world dahil sa hindi kaaya-ayang sinabi at pananaw tungkol sa mga Pinoy Domest Helpers

- Ngayon, isang online artist din na si Sir Khalid Al Ameri ay nagparating ng kanyang saloobin at pagkadismaya kay Alqattan sa isang video na talaga namang nagviral na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video na pinost ni Sir Khalid Al Ameri sa kanyang Facebook page na mayroong mahigit isang million na followers ay binahagi niya ang kanyang damdamin at saloobin tungkol sa mga sinabi at paniniwala ni Sondos Alqattan tungkol sa domestic helpers na mga Pinoy.

Unang bungad ng Abu Dhabi, United Arab Emirates artist sa video na naispatan ng KAMI sa FB page nito ay ang tungkol sa "day-off" ng mga OFW tuwing Linggo.

Inumpisahan ni Khalid ang kanyang puntos sa tanong na:

"How would you feel if you work for someone that didn't only not give you the day-off but disagree with the very ideology that you deserve a day-off?"

Ano daw ang mararamdaman ni Alqattan kung magtatrabaho siya sa isang tao na hindi lang siya 'di bibigyan ng day-off pero hindi sang-ayon sa ideolohiya na kailangan niya ng day-off.

Hindi makapaniwala si Al Ameri sa hiyaw ni Alqattan sa idea na hindi siya pumapayag sa day-off ng mga OFW.

"If I'm not mistaken, almost every job in the world, have a day-off; a day of rest; a day to go out; a day to enjoy life. I mean, we are not robots, at the end of the day. We are all humans and expect to have time to rest and time for ourselves."

At sa pangalawang punto naman niya tungkol sa pagbigay sa passport sa mga OFW, ang matinding pahayag ni Sir Khalid Al Ameri ay kahit siya daw ay magtatago sa kanya na kahit pa daw ang CIA ay hindi siya makikita dahil sa takot na magtrabaho kay Alqattan.

"Believe me, there's a reason they keep running away from you, and maybe, you are that reason."

Unang binahagi namin dito ang hindi magandang pananaw ng Sondos Alqattan tungkol sa agreement sa pagitan ng bansang Kuwait at Pilipinas at ito ay ang pagkakaron ng day-off sa isang Linggo ang mga OFW, at ang pagbigay sa kanila ng kanilang passport.

Tila ang gusto ni Alqattan ay gawing alipin ang mga OFW kaya naman isang netizen ang napacomment na lang na "Katulong 'di alipin!" ang mga domestic helpers.

Binatikos ang social media celebrity dahil sa kanyang sinabi hanggang pinapablacklist na siya bilang isang "undesirable employer."

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel