"State of Calamity," idineklara sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pagbaha

"State of Calamity," idineklara sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pagbaha

- Kalalabas lang na balita sa oras 7:54 p.m., July 23, 2018, Lunes, isinailalim ang buong lalawigan ng Pangasinan sa state of calamity

- Ito ay dahil sa baha na dulot na malakas at walang humpay na ulan na dala ng habagat na pinalakas ng Tropical Storm Inday at Tropical Depression Josie

- Ayon naman sa report na galing sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, sa oras na 11:00 a.m. kaninang umaga, 381 sa 1,364 na barangays sa Pangasinan ang lubhang binaha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na aming nasagap sa Phil Star Global, idineklara na nga na nasa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan ng Pangasinan as of late 7 pm, ngayong gabi.

Dito nalaman ng KAMI na tatlong daan at walong pung isa(381) sa isang libo tatlong daan at animnapu't apat(1,364) na mga barangays ng naturang probinsiya ang lubhang biniha na naging dahilan para mapilitang lumikas ang isang libo walong daan at dalawampung (1,820) pamilya ang lumikas sa kani-kanilang mga bahay.

Sa resolusyon, sinabi ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan na ang data mula sa PDRRMC ay nagpapakita na ang kabuuang 10,528 pamilya o 43,334 indibidwal ay apektado ng tropikal na mga bagyo.

Ang barangay Balayang umano ang nakaranas na pinakamataas na baha na umabot sa 12 feet, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Ayon pa sa Sangguniang Panlalawigan na ang probinsiya ay masyadong naapektuhan na nagresulta ng pagkasira ng mga agrikulturang produkto at imprastraktura at nakaapekto ng maraming pamilya at indibidwal.

Dobleng inga mga kababayan, at manatiling palaging alerto.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel