Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

- Bumulusok sa pagkatalo ang Alaska Aces sa puntos na 99 sa laban nila sa San Miguel Beermen

- Lamang ng limang puntos ang mga Beermen laban sa Alaska

- At tinanghal ang San Miguel na panalo sa laban na siya ding dahilan para umabot sila sa Finals

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan namin una ang tagumpay ng San Miguel Beermen sa Facebook page ng PBA.

Tila hindi na nga nagpapapigil ang koponan ng San Miguel Beer na humarurot patungong tagumpay sa laro nila laban sa Alaska Aces.

Ngayon, nalaman ng KAMI na didiretso na ang koponan sa kanilang ika-7th PBA Finals sa kanilang labing-isang conferences.

Nagpakita nga ng kanilang katatagan at tibay ang Beermen bilang isang kampyeon na koponan na nagtiis sa isang "grind-out battle," na nagresulta sa pagpapalayas sa koponan ng Alaska patungong Finals.

Kaya naman ang San Miguel Beermen ay nagkamit ng unang puwesto sa PBA Commissioner's Cup best-of-seven title playoff sa Smart Araneta Colisuem sa gabi ng Linggo.

Ayon pa sa PBA website, maaaring ito ang ika-anim na finale sa pagitan ng San Miguel at Barangay Ginebra o ang unang pagbubunyag na pamagat ng showdown sa pagitan ng Beermen at ng Rain or Shine Elasto Painters.

Ang pinakamataas na puntos sa koponan ng Beermen ay 26 na ibinigay ni Fajardo.

Sumundo naman si Balkman na nagbahagi ng 23 points at si Cabagnog at Ross ay nagbigay ng 18 at 17, respectively.

Si Lassiter nagshare naman ng 8 points, at si Nabong ay nagparte ng 6 points.

Habang si Santos at Standhardinger ay nagbahagi ng 4 at 2 points, respectively.

Si Simpson naman ay ang nagbigay ng pinakamalaking puntos sa Alaska ng 24 points na sinundan ni Manuel ng 20 points, Enciso ng 19 points, Casio ng 15 points, at Teng ng 6 points.

Sina Racal at Exciminiano ay nagbigay pareho ng 4 points habang sina Magat at Thoss ay nagbahagi ng 3 at 2 points, respectively.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel