Tunay na dahilan ng pagkamatay ni Teacher Emylou, isiniwalat na ng kanyang pamilya
- Isiniwalat na ng pamilya ng guro ng si Emylou Malate ang totoong dahilan ng kanyang pagpapatiwakal
- Taliwas sa mga dagdag na kwento ng ilan na nobyo at magulang ang dahilan, tanging ang hirap sa pagtatrabaho ang inindang dahilan ni Emylou kumbakit binawi niya ang sarili niyang buhay
- Sa ngayon, dinudulog pa rin sa DepEd ang naging sitwayon ni Emylou bago ito tuluyang nagpakamatay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa post ng netizen na si Darlene Ballesteros Saco-Gomez sinalaysay niya ang totoong dahilan daw ng diumano'y pagpapakamatay ni Teacher Emylou Malate.
Taliwas sa mga naglabasang mga balita, na nobyo at magulang ang dahilan ng pagpapakamatay ni Teacher Emylou, talagang nag-uumapaw na trabaho ang naging dahilan niya.
Gaya na ng nauna nang naibalita ng KAMI, seryoso at dedidakadong guro si Emylou kaya naman hanggang sa abot ng kanyang makakaya, gagampanan talaga niya ang kanyang tungkulin bilang isang guro.
Nalaman ng KAMI na na-assign pala sa liblib na paaralanng Leyte kung saan siya ay nagtuturo ng multi-grade o tatlong iba't-ibang antas na isang klase.
Sa ganitong sitwasyon, nangangailangan siyang maghanda ng 24 na lesson plans para sa isang araw at bukod pa rito ang 24 na instructional materials.
Ayon pa sa ama ni Emylou, 2 oras na lamang daw halos ang tulog ng guro sa paghahanda ng mga ito para sa pang-araw araw niyang klase.
Bagaman at may basbas daw ng school head nila na maari namang di magturo basta nakahanda ang mga lesson plan at instructional materials, ay di pa rin ito sinunod ni Emylou at talagang nagtuturo siya araw-araw.
Dahil sa dami ng dapat niyang ihanda araw-araw, nagkaroon na pala ng 'backlog' o kulang sa mga 24 na ginagawa niya araw-araw. Sumabay pa raw ang iba pang mga paper works na kailangang isumite ng mga guro ngayon at ang istrikto pa raw na superbisor ni teacher Emylou.
Dumating pa raw sa punto na pag mayroon lamang na dumarating na motor ay labis na ang nerbyos ni Teacher Emylou sa pag-aakalang ito ay bisor na mag-oobserba sa kanyang pagtuturo.
Ito raw ang mga dahilan na naisulat niya sa suicide note ayon sa kanyang pamilya at walang katotothanan na may iba pa itong naging dahilan.
Hanggang sa ngayon, humihingi pa rin ng hustisya ang pagkawala ni teacher Emylou at sana ay magmulat daw ang pangyayari na ito sa Kagawaran ng Edukasyon sa mga di na raw makataong pinagagawa ng mga ito sa kanilang mga guro.
This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh