Binatikos! Ogie Diaz, binirahan si Asec Mocha Uson sa 'di daw kaaya-ayang gawa

Binatikos! Ogie Diaz, binirahan si Asec Mocha Uson sa 'di daw kaaya-ayang gawa

- Kahapon, July 22, 2018, isang mataas na Facebook post na may naka-attached na video ang binahagi ni Ogie Diaz sa kanyang social media account

- Dito ay makikita si Uson kasama ang isang tao na tila hindi gusto ang pinaggagawa ni Cynthia Patag at nagbulalas ng mga salita laban sa dating aktres

- Hindi naman ito nagustuhan ni Ogie dahil makikita si Asec Uson na tumatawa din sa mga sinabi ng nasabing personalidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa FB Scoop ng Fashion Pulis naispatan ang nasabing Facebook post ni Ogie Diaz ang isang video makikita ang isang personalidad na may salita laban kay Cynthia Patag.

Makikita rin si Asec Mocha Uson sa video, at dito nagkomento si Ogie sa pamamagitan ng pagshare sa nasbing video at kasama ang isang napakahabang post sa kanyang FB account.

Nabasa ng KAMI ang nasabing post ni Ogie at ito ang laman nito:

"Ewan ko kung me katungkulan sa gobyerno yung bading, pero noon pa, image na niya yung magmura nang magmura. Baka nga ikamatay pa niya kung hindi siya makakapagmura. Ingat lang sana siya, dahil baka makatagpo siya ng katapat.
Kay Ateng Mocha, sana, lagi mong isaksak sa kukote mo na sinusuwelduhan ka ng taumbayan. Hindi ka dapat maging troublemaker, bagkus maging peacemaker ka.
Yung salitang “pangit,” nung marinig mo, oo naman, maganda ka naman talaga, Ateng Mocha. Pero baka sabihin nung ibang makakapanood ng video, ikaw pa talaga ang nagtawa nang marinig mo ang salitang “put-.”
Isipin mong maigi yon. Mga 30 seconds....
Pag napagnilay-nilay mo na, gusto ko lang sabihin sa yo, nariyan ka sa gobyerno para iangat ang antas ng kababaihan.
Gawin mong makatuturan ang iyong posisyon para saluduhan ka hindi lang ng mga ka-DDS, kundi ng mas marami pang hindi ka-DDS. Sa palagay mo, yang ganyang pampo-provoke n'yo kay Ateng Gay ay pwede mong maisama sa mga naging accomplishment mo bukod sa pagsama-sama at pagbuntot-buntot sa Pangulo?
You can do better than that, Ate Mocha. 'Wag ka nang bumaba sa ganyang level ng mga klase ng tao.
Anyway, gusto ko na lang marinig ang panig mo tungkol sa isyu ng COA sa PCOO. Kung maipaliwanag mo o ninyo nang mahusay, promise, ire-repost ko para naman maging fair sa inyo.
Direktang may kinalaman ang isyu sa work mo sa PCOO, Ateng Mocha. Baka madamay ka, i-clear mo, Ateng, para mas maintindihan naman ng mga taxpayers na hindi ka involved sa anomalya o inosente ka sa bilyong pisong halagang kinukuwestiyon ng COA.
Pag na-explain mo namang maigi ang tungkol sa isyu, pwede mo namang isali ito sa accomplishment mo bilang Asec ng PCOO. At ituring mong isang mabigat na accomplishment na ito.
Ikaw na rin ang nagsabi, mahalagang malaman ng taumbayan ang achievements ng Duterte Government. At higit sa lahat, kung bakit maaari kang ituring na "asset" sa gobyerno, dahil isa kang honest at hindi corrupt.
Sana, pag-isipan mo. Para maging genuine ang pagtulong mo kay Tatay Digong.
PS...
Baka akusahan mo akong Dilawan. Hindi po. Marami din akong reklamo kay PNoy noon, lumalabas pa sa fb memories ko. Pero kapag kapuri-puri, hindi rin ako maramot magbigay ng pagsaludo kay PNoy.
Gaya sa Pangulong Duterte, pag may kagitingang desisyon, sinabi o ginawa siya, nandiyan ako para sumaludo. At siya na rin ang nagsabi ng "freedom of speech" at "freedom of expression," tulad n'yong DDS, ine-enjoy ko rin 'yon.
Sana kayo rin, pag me corruption na nagaganap, magsalita kayo para mas saluduhan kayo ng inyong kunsensiya.
Kaya ready na po akong ma-bash ng mga ka-DDS. Basta at the end of the day, sana, 'yung para sa kabutihan ng Pilipinas ang hangarin nating lahat. Na ang tanging Dilaw lang sa ating lahat ay ihi, ngipin at tae."

At ito naman ang naturang video na ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang wall:

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Enter headline
GMA Network may face a huge fine and suspension for Eddie Garcia's accident

Enter headline GMA Network may face a huge fine and suspension for Eddie Garcia's accident

GMA Network may face suspension and a P100K fine for Manoy's accident
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel