Netizens, labis na humanga sa batang nanghihingi ng barya kapalit ng pagsagot ng mahihirap na math problems

Netizens, labis na humanga sa batang nanghihingi ng barya kapalit ng pagsagot ng mahihirap na math problems

- Binahagi ng netizen na si Kristian Genaskey Buencamino ang mga video ng isang batang lalaki na naghihingi daw ng barya kapalit ng pagbigkas niya ng sauladong Philippine Constitution

- Ang mas nakamamangha pa sa batang nakilalang si Gerald Tamayo ay nakakapag-solve din ito ng math problems nang walang ginagamit na panulat o maging mga daliri

- Labis na humanga ang mga netizens na nakapanood sa kanyang mga video at wala silang ibang hangad kundi ang matulungan ang bata lalo na sa kanyang edukasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang batang nakilala na si Gerald Tamayo dahil sa angking talino niya kahit pa siya ay pagala-gala sa lansangan.

Nalaman ng KAMI na ang netizen na si Kristian Genaskey Buencamino ang nagpost ng ilang video kung saan nilapitan daw sila ni Gerald para sa kaunting barya kapalit ng pagre-recite niya ng Philippine Constitution.

Di lang iyon, sa isang video na nai-post din ni Kristian, nagtanong din sila ng ilang math problems kay Gerald at nakamamanghang nasasagot niya ito 'mentally' o walang ginagamit na anumang panulat o pamilang para ma-solve ang tanong.

Ayon sa caption ni Kristian, scholar ng UST si Gerald, ngunit dahil marahil sa kakapusan ng panggastos, napipilitan siyang manghingi ng barya kapalit ng pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman.

Ayon pa sa post, ang pinanghihingi na barya ni Gerald ng gabing iyon ay para sa kanyang school project.

Samantala, bilib na bilib din ang mga netizens na nakapanood sa kanyang kakayahan. Ang iba pa sa kanila ay nag-nanais na matulungan si Gerald lalo na pagdating sa kanyang pag-aaral. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow, Youre so smart i wish you a good lawyer someday #KMJS na yan"

"Can I get his name and contact? I want to sponsor him"

"Ito dapat talaga ang pinag-aaral e, kelangan lang ng hasa pa sa paaralan"

"Where can we find him? Dapat pag-aralin ito hanggang kolehiyo, wag sayangin talino!"

" Madiskarte na may talino pa itong bata, wag sana mapariwara"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel