"Triple Win!" 400 na mga Pinoy nurses ang kailangan sa bansang Germany

"Triple Win!" 400 na mga Pinoy nurses ang kailangan sa bansang Germany

- Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nangangailan ng 400 Pinoy nurses ang bansang Alemanya

- Ito daw ay bahagi ng "Triple Win" project na isang programa sa gobyerno sa pagitan ng bansang Germany at ang ating POEA

- Nasa halos 118,000 pesos ang sahod umano kada buwan ng isang Pinoy nurse sa nasabing bansa at maari pa daw itong tumaas hanggang mahigit sa 142,000 pesos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa balita ng ABS-CBN News, 400 nurses na mga Filipino ay kailangan sa bansang Germany.

Ang pagkuha ng mga Pinoy nurses ay bahagi ng "Triple Win" project na isang programa sa pagitan ng mga gobyerno ng Alemanya at Pilipinas sa pamamagitan ng POEA, ayon sa balita na nakuha ng KAMI.

Dagdag pa sa balita na ang sahod kada buwayn ay umaabot ng halos 118,000 pesos o €1,900 at maari din daw itong tumaas hanggans sa halaga na higit pa sa 142,000 pesos o €2,300.

Ano ang mga kailangan para maka-apply?

1. Ang aplikante ay dapat Pilipino

2. May permanenteng address sa bansa

3. Isang nursing degree

4. Lisensiya sa pagka-nurse

5. Karanasan sa pagtatrabaho sa ospital, rehabilitation center o care institutions

Ang isa sa mga requirements din ay pag-akalam sa wikang Aleman.

Pero huwag mag-alala sa mga hindi alam ang naturang wika pa dahil pwede ka paring mag-apply, dapat handa kang sumailalim sa language training sa Oktubre at Nobyembre ngayong taon, saad sa balita.

Dagdag pa sa nasabing balita, sa mga matatanggapo ay ang employer ang bahala sa visa at airfare papuntang Germany.

Sa mga nais mag-aplay daw ay magparehistro sa opisyla na website ng POEA o magsumit ng personal sa mga requirements sa nasabing tanggapan ng POEA.

Ngayong August 17 pa naman ang deadline ng pagpapasa sa aplikasyon sa POEA Central Office sa Mandaluyong at Cebu.

Habang sa ibang POEA regional offices, until August 14 lang ang pagpasa, ayon pa rin sa balita.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel