Pangulong Duterte, nagpaospital isang araw bago mag-SONA 2018

Pangulong Duterte, nagpaospital isang araw bago mag-SONA 2018

- Kinumpira ng Malacañan na dumalo ang Pangulong Duterte sa kanyang routine check-up isang kahapon, July 22, 2018

- Ang nasabing ospital ay sa Cardinal Santos Medical Center

- Ang nasabing check-up ay tumagal lamang ng isa't kalahating oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuloy na tuloy pa rin ang pagdalo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) 2018 matapos i-anunsyo ang kanyang pagpapaospital sa bisperas ng nasabing okasyon sa Batasan Pambansa.

Nalaman ng KAMI na nataon ang routine check-up ng pangulo nitong Linggo, Hulyo 22, matapos itong kumpirmahin ng kanyang tagapagsalitang si Harry Roque. Pumunta ang pangulo sa Cardinal Santos Medical Center para sa check-up, bago ang rehearsal para sa SONA.

"He spent about an hour and a half for the routine examination," ayon sa panayam ng GMA News kay Roque.

Inihayag din ng tagapagsalita na ang pangulo ay nasa maganda kundisyon. "He was declared to be in good health."

Ang ikatlong SONA ni Duterte ay gaganapin ngayong araw ng Lunes, Hulyo 23, 2018. Naglabas na rin ng paalala ang lokal na pamahalaan na walang pasok ang kabuuan ng Lungsod ng Quezon dahil sa gaganaping SONA at sa mga paghahanda na rin ng palasyo.

ALAMIN: Narito ang iba't ibang mga lugar na walang pasok ngayong Lunes, July 23, 2018

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental

May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental

May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel