Walang puso! Taxi driver pinababa raw ang mga pasahero sa gitna ng malakas na ulan

Walang puso! Taxi driver pinababa raw ang mga pasahero sa gitna ng malakas na ulan

- Isang netizen ang nagsiwalat diumano ng modo ng isang taxi driver na pinababa sila sa kalsada sa kasagsagan ng ulan

- Pagsakay pa lang ng pasahero na kasama ang anak niya at kapatid na babae ay humirit na agad ito ng ₱100 at dahil kasagsagan daw ng ulan, pumayag na ang pasahero

- Maraming netizens din ang nagngitngit sa galit sa inasta ng driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumagdag na naman sa dumaraming mga di magagandang karanasan sa taxi ang post ng netizen na si Stein Tepace Manuel.

Nalaman ng KAMI na kasagsagan ng ulan nang sumakay ng taxi ang netizen kasama ang kanyang anak at kapatid na babae.

Pagsakay pa lang, humirit na ng dagdag ₱100 ang driver na siyang sinang-ayunan nalang ng pasahero dahil sa hirap nga ng pagsakay sa taxi dahil sa ulan. Di na ito nalalayo sa naunang report ng KAMI kung saan naningil ang driver ng mas mahal kaysa sa metro.

Sumakay sila sa Shopwise Cubao at sila ay bababa sa Antipolo ngunit sa Marikina pa lang nagsabi na ang anak ng pasahero na nasusuka raw ito. Kaya naman nakiusap ang pasahero kung maari ay buksan ng kahit kaunti ang bintana dahil pag nakalalanghap na raw ng hangin sa labas ang bata ay nagiging ok na raw ito.

Laking gulat na lamang ng pasahero nang sumagot na agad ng di maganda ang driver.

"yan na nga ba ang sinasabi ko eh, kanina nung nakita ko kayong may bata parang ayaw ko kayong pasakayin, buong araw sa byahe ko ngayon wala akong sinakay na bata" sabi raw ng driver.

Paulit ulit daw itong sinasabi ng driver na noon ay sumisigaw na. Kumuha na ng plastic bag ang ina ng bata. Siniguro niyang walang anumang bahid ng suka ang sasakyan ng driver.

Ngunit di pa rin ito tumigil kaya naman sumagot na ang pasahero, "kuya pwedeng wag kang sumigaw nakikiusap lang namn ako kung pwede buksan ang bintana pero ang dami mong sinasabi" pakiusap ng pasahero.

Lalo pang sumigaw ang driver na ikinatakot pa ng bata at napakapit sa ina. Doon ay pinilit na silang bumaba ng taxi sa gitna ng kalsada kahit sobrang lakas na ng ulan at piababayaran pa sa kanila ang metro.

Patuloy pa rin ang pagsigaw ng driver at dumating pa sa punto na humihingi na ng paumanhin ang kapatid ng pasahero kahit pa sila na ang naagrabyado.

Samantala, nanggagalaiti rin sa galit ang mga netizens na nakabasa ng post ni Stein.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"style ng ibang taxi Driver paarkila yan tapos pag alam na nyang malapit na ang destination kamot na ulo hehehe un pala magpapadagdag ng pasahe hehehe kakatuwa mga to. Garapalan na..."

"sa mga taxi driver sana maging friendly kayo sa mga pasahero nu"

"Npaka hayop m kung sakin asawa oh kpatid m ginawayan ppuntahan kita para basagin yan nguso mo"

"Go to LTFRB central office NG mabigyan ng leksyon Ang driver na Yan, Hindi dapat ganyan Ang maging asal sa mga pasahero kahit Hindi kayo pinabayad nyan may pananagutan parin yong driver at lalo na di kayo hinatid sa location nyo siryusuhin nyong ilapit sa ltfrb ng di naman madadamay Ang ibang taxi driver na nag hahanap buhay ng marangal."

" I tulfo mo yan ng matauhan yan"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel