Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

- Di pa maiuwi ng isang mister ang bangkay ng kanyang misis dahil malaki pa ang babayaran nilan sa ospital

- Bukod dito, wala pang lakas ng loob ang mister na ipakita ang sinapit ng misis sa kanilang anak

- Makikitang bata pa ang misis, 21 taong gulang lamang ito kaya naman laking panghihinayang ng mister dahil marami pa raw silang mga pangarap sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sinapit ng isang batang misis na maagang naiwana ang kanyang mag-ama.

Binahagi ng mister ang pinagdaraanan nila ngayon. Bukod sa siya namatayan, naiwan pa ang mnapakalaking bayarin sa ospital, dahilan para di pa maiuwi ang asawa niya na nasa funeral pa rin.

Narito ang kabuuan ng kwento na biinahagi sa KAMI:

"MAHIRAP PERO DAPAT KAYANIN"

Mahal ko sobrang sakit ansakit sakit gustong gusto na kita iuwi ng manila dahil gusto mo na dun ka magbebirthday sorry mahal ko dahil kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa ospital na ibigay ang death cert para makauwi na tayo di nila pinagbigyan. sabi nila kailangan bayaran natin ang bill para makuha yun pero pano ko mababayaran agad agad ng cash yan eh wala naman akong ganyan kalaking pera sa ngayon kaya sorry talaga mahal ko wala naman kasi akong bahay at lupa pati sasakyan na naipundar dito sa palawan na pwedeng ipang kulateral di naman kasi ko ganun kayaman e kaya sorry talaga mahal ko ah sorry dahil tatagal pa tayo dito kasi ginagawan ko pa din talaga ng paraan yan eh.

source: supplied

source: supplied

Pero alam mo mahal ko swerte pa din tayo dahil may mga taong handang tumulong satin mga kaibigan natin mga kaibigan mo na natutulong tulong ngayon para makatulong sa bayarin natin mga kapatid natin na di tayo pinapabayaan kahit na maliit lang pag nagsama sama malaking tulong na para satin para mapabilis ang pag uwi natin sa manila. kaya konting tiis muna mahal ko ah sorry kung madedelay pa ng ilang araw miss na miss ko ng hawakan ang kamay mo yung mga paglalambing mo yung yakap at halik mo yung pagsusungit mo sakin pag inaasar kita miss na miss ko na lahat yun mahal ko andami pa nating plano diba andami nating gustong gawin at puntahan mga lugar na di pa natin napupuntahan dito sa palawan yung mga beach na gustong gusto natin paliguan mahal ko naman eh ang hirap lang kasi isipin na nakahiga kana jan.

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

source: supplied

pero parang natutulog ka lang naman na naka make up kahit na di ka naman talaga nagmemake up oo nga pala mahal sorry ah kung di ko muna dinadala si freyah para sa anak din naman natin yun eh para di sya magkasakit dahil andyan ka pa sa funeral siguro pag nakauwi na tayo pwede na kaya wag na magtampo ako maganda at malusog si freyah.maganda si freyah kasi mana sya sayo andito lang ako mahal ko nakabantay sayo dito lang ako sa tabi mo mahal na mahal na mahal kita sobra alam mo yan iloveyousomuch Cherriel Augusto Sarol.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
15 More Pinay stars na may legs na nakakasilaw sa ganda

15 More Pinay stars na may legs na nakakasilaw sa ganda

15 More Pinay stars na may legs na nakakasilaw sa ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel