PWD vegetable vendor, hinangaan dahil sa sipag sa kabila ng kanyang kapansanan

PWD vegetable vendor, hinangaan dahil sa sipag sa kabila ng kanyang kapansanan

- Labis na hinahangaan si "Kuya George", isang PWD na nagtitinda pa rin ng gulay at prutas sa Tiaong Quezon

- Minsan nang napagsamantalahan ng masasamang loob si Kuya George kung saan siya ay nabugbog at kinuha ang kanyang kinita

- Laking gulat ng doktor na siya ay naka-survive pa sa nangyari at patuloy pa rin ang kanyang paglalako ng gulay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nakuha pa rin ni George Belarmino na maghanapbuhay. Gamit ang tricycle na ginawa para mapaandar niya ito, ay iniikot niya ang ilang kalye sa Tiaong, Quezon para maglako ng mga gulay.

Noong bata pa kasi si George, nagkaroon siya ng polio, dahilan para siya ay di na makalakad.

Dahil sa kanyang kahinaan, nalaman ng KAMI na minsan pa lang naharang si "Kuya George" ng tatlong lalaki at kinuha ang kanyang kinita sa pagtitinda.

Laking gulat ng doktor nang dahil sa tindi ng pagkakabugbog kay kuya George, himalang nabuhay pa ito. Ang mas nakamamangha pa sa nangyari, bumalik pa rin sa pagtatrabaho si kuya George.

Walang tigil ang pagtatrabaho niya maghapon para lamang may maipangtustos sa kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang kapansanan, di siya naging pabigat sa mga ito at siya pa ang may malaking naitutulong sa mga ito.

Kay naman labis na hinahangaan si kuya George dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon ay di ito naging hadlang para siya ay maghanapbuhay ng marangal.

Samantala, maging ang mga netizens na nakabasa at nakakita ng post tungkol kay kuya George ay labis na humanga sa sipag ng 52 taong gulang na PWD na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This post touched my heart! Very inspiring indeed! I wish your post may touch and inspire other lives too!"

"Palagi po c kuya George npunta smen sa arawan san antonio quezon namimili po sya ng papaya..nkkabless talaga po c kuya"

"how may we get in touch with him if we wanted to help? we can sponsor the education of his child."

"Tama kayo. marami walang kapansanan sila pa mga tamad at di gagawa ng pagsisikap upang kumita sa tamang paraan. Hanga ako sayo George pagpalain ka ng dyos at yong pamilya"

"dami na shares and views. Nakakatuwa"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel